Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ruffa may malaking pasabog

Ruffa may malaking pasabog

Maricel Soriano and Dingdong Dantes

by Rowena Agilada

PINAAABANGAN ni Ruffa Gutierrez ang 3rd episode ng “It Takes Gutz to Be a Gutierrez,” reality show ng pamilya Gutierrez na mapapanood this Sunday at 9 p.m. sa E! (Skycable Channel 57, Cignal 25, Cablelink 33) at sa ibang cable providers sa Pilipinas at sa ibang Asian countries.

Ani Ruffa, may malaking pasabog na magaganap. Sa last episode naman, may magbibida. May-I-smile lang si Ruffa nang hingan namin ng clue kung sino. “Basta! You watch na lang,” she said.

Tsika pa niya, first time niyang nakadalo sa isang press junket noong nagpunta sila sa Singapore para sa promotion ng kanilang reality show. Mga taga- print media, TV at bloggers ang nag-interbyu sa kanila mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand at iba pang Asian countries. Updated daw ang mga ito tungkol sa kanila at intelligent questions ang mga itinanong sa kanila. ” Nasagot ko naman lahat ng tanong nila,” sabi ni Ruffa.

Misunderstood mom
Kasama si Ruffa sa “Maybe This Time” topbilled by Coco Martin and Sarah Geronimo. Currently showing ito sa mga sinehan nationwide. Ani Ruffa, nag-google pa siva tungkol kay Coco noong nalaman niyang magkakatrabaho sila sa MD.

“At least, he’s in his 30’s, not 20’s (laughs),” ani Ruffa. “Noong first shooting day namin, kumubakuba pa ako at naka-flat shoes lang. He’s very mabait, karinyoso at magaling na artista.”

Kumusta naman katrabaho si Sarah? “I love her. Walang ere, walang star complex, napakabait. Malayo ang mararating niya,” wika ni Ruffa.

Eh, si mommy Divine? “Mabait siya. Misunderstood lang siya ng ibang tao. Nagbebenta siya ng organic gulay sa set.”

Starstruck
Intimidated, kinakabahan at starstruck si Dingdong Dantes kay Maricel Soriano. Magkatrabaho sila for the first time sa “Ang Dalawang Mrs. Real” at ayon sa Kapuso Primetime King, sobrang excited siya at malaking challenge sa kanya working with the Diamond Star.

“Alam naman nating lahat na magaling siyang artista , ang daming accomplishments, kaya nakaka-pressure rin,” saad ni Dingdong.

Si Lovi Poe naman ay nakatrabaho na niya sa pelikulang “Tiktik: The Aswang Chronicles” at first time nilang together sa TV sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Si Maricel ang unang pinakasalan ni Dingdong at pangalawa si Lovi. Sa Lunes (June 2) na ang pilot telecast nito na mapapanood sa GMA Telebabad.

Maraming anak
Alamin ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang istorya ng mag-asawang Julian at Agnes kung paano nila nakakayang buhayin ang 15 nilang anak.
Pinamagatang “Pabrika ng Bata,” tampok sina Christopher de Leon, Jean Garcia bilang Julian at Agnes, kasama sina Rodjun Cruz, Rainier Castillo, Michelle Madrigal, Diva Montelaba, Denise Barbacena, Rhen Escano, Vince Magbanua, JM Reyes, Denzel Santiago at Nomer Lumatog.

Sa kabila ng maraming anak at mga pagsubok sa buhay, masaya pa rin sina Julian at Agnes dahil kapuwa nila ginusto ang magkaroon ng malaking pamilya.

comments