Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Four new GMA talents introduced

Four new GMA talents introduced

Gab de Leon, Rafa Siguion-Reyna, Vince Velasco, and Lance Serrano

by Rowena Agilada

INIHARAP sa entertainment press ng GMA Artist Center ang bago nilang apat na talents. Sina Gab de Leon, Rafa Siguion-Reyna, Vince Velasco at Lance Serrano. Pawang nasa early 20s ang four aspiring stars.

Si Gab ay 22 years old, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Lumabas si Gab sa “Teen-Gen,” youth-oriented program ng GMA-7. After that, sinubukan naman niya ang theater, cast in plays sa La Salle Zobel. Then, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at tinapos niya ang Photography sa St. Benilde La Salle.

Habang naghihintay si Gab ng project sa GMA-7, busy-bisihan siya sa pagwo-workshop under direk Maryo J. delos Reyes. Gusto niyang maging drama actor like his dad, ani Gab, pero ayaw niyang magpa-pressure dahil anak siya ng isang multi-awarded actor. Same with his mom na isa ring magaling na aktres.

“Full support ang dad at mom ko sa akin. I want to be my own person. Different naman ’yung experience ko from them,” Gab said. Isang Pinay blogger ang non-showbiz girlfriend ni Gab at two-and-a-half years na sila together.

Nainggit
Anak naman nina direk Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza si Rafa, 23 years old, Mass Com graduate sa New York University. Ani Rafa, bata pa siya’y hilig na niyang mag-artista. Lumabas siya noon sa isang pelikulang dinirek ng kanyang daddy, “Abot Kamay ang Pangarap.”

Noong high school siya, nahilig naman siya sa basketball. Pero noong nakita niya ang isang kaibigan na pinagkakaguluhan ng girls dahil sa galing nito sumayaw, nainggit siya, kuwento ni Rafa (na Rafael ang real name). “Nag-aral din akong sumayaw (laughs),” aniya.

Nagkahilig din siya sa pagkanta. Gusto rin niyang maging direktor tulad ng kanyang parents. Gusto rin niyang maging businessman at plano ni Rafa magtayo ng restaurant.

Unang lumabas si Rafa sa “Rhodora X”, then sa “Vampire ang Daddy Ko.” Kasama siya sa “Niño,” bilang Ric, ang kanang-kamay ni Jay Manalo (as Lucio). May ginagawa ring indie movie si Rafa, “Hari ng Tondo” with Robert Arevalo and Cris Villonco. Ang daddy Carlitos niya ang direktor at ang mommy Bibeth naman niya ang scriptwriter.

Gustong maging action star
Anak ng sportscaster-writer na si Bill Velasco si Vince Velasco, 23 years old at Communications Psychology graduate sa Ateneo University. Si Vince ang gumanap na lover ni Victor Basa sa “My Husband’s Lover.” Lumabas din si Vince sa “Akin Pa Rin ang Bukas” at “Genesis.” Kasama rin siya sa pelikulang “Cain at Abel” nina Aljur Abrenica at Alden Richards.

Gusto ni Vince maging action star at gusto niyang makatrabaho sina Solenn Heussaff at Kylie Padilla.

Commercial model
Commercial model naman si Lance Serrano, 23 years old. He took up Nursing sa Central Colleges of the Philippines, pero hindi niya natapos ang kurso. Dati siyang med rep (medical representative). Lumabas noon si Lance sa isang segment ng “Eat Bulaga,” ang “Jimioke” na kumakanta siya habang nagwo-workout.

Nakalabas na si Lance sa “Galema” at “Annaliza” sa ABS-CBN. Nag-audition siya sa GMA Artist Center noong nalaman niyang nangangailangan ng male artists. Sina Marian Rivera at Carla Abellana ang mga hinahangaan niya sa mga Kapuso actress. Idol at gusto naman niyang tularan ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Separated ang parents niya, ayon kay Lance. Lima silang magkakapatid at isa ang half-sibling niya sa mother side. Ang lola at isang tita niya ang magkatulong na nagpaaral sa kanya, ayon kay Lance.

comments