Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pag-ibig walang laban sa mga anak

Pag-ibig walang laban sa mga anak

POKWANG

by Rowena Agilada

HINDI maiwasang ikumpara sina Ai-Ai de las Alas at Pokwang na parehong single mothers. Hindi pwedeng kuwestiyunin ang pagiging mapagmahal at mabuting ina nila sa kanilang respective children.

Isa lang ang anak ni Pokwang, tatlo ang kay Ai-Ai. Kamakailan ay nag-debut ang anak ni Pokwang na si Rie Mae at bonggang birthday celebration ang inihanda ni Pokwang. Balita namin, close to P1 million pesos ang nagastos niya.

Gusto ng bagets pumunta sa Japan para hanapin ang kanyang Japanese father at okey lang ’yun kay Pokwang. Gusto rin niyang magkita ang mag-ama.

Pagdating sa love life, magkaiba sina Ai-Ai at Pokwang. Itong huli, matagal nang zero ang love life, samantalang si Ai-Ai, napaka-colorful ng love life. Ang dali niyang makahanap ng “papa,” samantalang si Pokwang, parang wala lang! May na-link na foreigner sa kanya, pero aniya, waley na ’yun.

Focused daw muna siya sa kanyang career at sa nag-iisa niyang anak. Nag-aaral ito ng Culinary Arts at pag nakatapos ito, balak ni Pokwang ipagtayo ng restaurant ang anak.

By the way, mamayang gabi na ang premiere night sa SM Megamall cinema ng “My Illegal Wife” nina Pokwang at Zanjoe Marudo. May love scene sila at ani Pokwang, napakasuwerte ni Bea (Alonzo). “Ang lambot ng mga labi ni Zanjoe,” saad ni Pokwang. Bukas ang regular showing ng “My Illegal Wife” sa mga sinehan nationwide.

Mas mahal ang mga anak
Mahirap talaga kalaban ang anak (o mga anak) pag tungkol sa usaping pag-ibig. Narinig na namin kay Joey Marquez ang sinabi niya noon na huwag na huwag siyang papipiliin ng sinumang babaeng ka-relasyon niya dahil ang mga anak niya ang pipiliin niya. Aniya, hindi na dapat pagtalunan ’yun.

Gano’n kamahal ni Joey ang mga anak niya, kahit pa magkakaiba ang nanay ng mga ito. Si QC Mayor Herbert Bautista, mas pinili rin ang mga anak niya kesa ipagpatuloy ang “something” nila ni Kris Aquino. Hindi kaya ni Mayor HB saktan ang mga anak niya at mawalay ang mga ito sa kanya.

Sobrang naapektuhan sina Athena at Harvey (dalawa sa apat na anak ni Mayor HB) noong nalaman ng mga ito ang pakikipag-“somethingan” ng kanilang papa Herbert kay Kris. Isinama sila ng kanilang mama Tates Gana sa United States para magbakasyon at malayo sa intriga.

Tahasan ding sinabi ni Mayor HB na wala na sila ni Kris at imposible nang ipagpatuloy pa ang “something” na ’yun. Did we hear it right, na-hurt daw si Kris sa pahayag na ’yun ni Mayor HB on national TV? Sana raw ay nanahimik na lang ito.

Matagal din namang nanahimik si Mayor HB since aminin ni Kris on national TV na may “something” sila at work in progress ’yun. Matagal hinintay ang pahayag ni Mayor HB hinggil du’n. Now, it’s over na talaga between them. Bye, bye love! Bye, bye happiness!

SARAH Geronimo

Enjoy-enjoy lang
Hindi na kailangang kulit-kulitin pa sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na aminin ang totoong estado ng kanilang relasyon. Ayon kay Matteo, enjoy-enjoy lang sila together ni Sarah. “It’s time for Sarah to enjoy her life. I’ve never been happier,” saad ni Matteo.

Mukhang wala na talagang magagawa ang mommy Divine ni Sarah kundi tanggapin na lang ang namamagitan ngayon kina Sarah at Matteo. Maybe this time, handa na si Sarah ipaglaban ang karapatan niyang magmahal at mahalin. Do or die na kaya?

Sana lang, ganun din si Matteo na come what may, handa niyang ipaglaban si Sarah. She’s turning 26 in July and maybe this time, maging happiest birthday ever niya. All her life, naging mabuti at masunurin siyang anak. It’s about time, magkaroon naman siya ng sariling kaligayahan na hindi kayang ibigay ng kanyang parents. Right, Sarah and Matteo?

comments