Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Luis, cool lang sa gitna ng ensaymada issue

Luis, cool lang sa gitna ng ensaymada issue

Luis Manzano

by Rowena Agilada

MUKHANG malabo na o matatagalan pang magkabati sina Kris Aquino at Ai-Ai de las Alas. Nagpapatutsadahan pa rin ang kani-kanilang kampo. Patuloy ang pamba-bash kay Ai-Ai ng mga supporter ni Kris.

To the rescue ang anak ni Ai-Ai na si Sophia at sinagot ang bashers ng kanyang mommy. Na-hurt si Sophia dahil pati personal life ng kanyang mommy Ai-Ai ay idinadamay ng mga ito.

Si Luis Manzano ay no comment naman sa bashers ng kanyang mommy (Governor Vilma Santos-Recto) na sangkot pa rin si Kris. Deadma lang si Luis at hinahayaan na lang niya ang ibang tao na ipagtanggol ang kanyang mommy dearest.

Kabilang dito sina Ai-Ai at Marian Rivera. Self-confessed Vilmanian si Ai-Ai. Aniya, idol niya si Gov. Vi na hindi lang mabuting tao, kundi mahusay na aktres at politician.

Si Marian naman ay nagpahayag na all-out support siya kay Gov. Vi. Tinext niya ito para iparamdam ang kanyang suporta at pagmamahal sa kanyang future ninang (sa kasal nila ni Dingdong Dantes). Anang Kapuso Primetime Queen, may mga basher din siya dahil sa mali niyang pag-i-Ingles. Pero deadma na lang siya.

Cool-headed
Bilib naman kami kay Luis Manzano. Sa isang interbyu sa kanya, nalaman naming hindi pala siya marunong magalit. Aniya, halimbawang may palpak na ginawa ang driver niya o ang assistant niya, cool lang siya.

Hindi siya ’yung tipong nagwawala sa galit, nagmumura o nagsasalita nang masama dahil sa kapalpakang nagawa ng mga ito. Ani Luis, useless kung magagalit siya. Waste of time lang ’yun at nakakawala ng energy at emotions.

So lucky naman si Angel Locsin for having Luis as her boyfriend (and future husband?). Cool-headed si Luis. Just curious, cool ever din kaya siya kapag may LQ (lover’s quarrel) sila ni Angel? Nakikita kasi natin si Luis na parating nakangiti at mahilig magbiro. Ang galing pa ng sense of humor niya.

Louise Delos Reyes

Buntis?
Pinagtawanan lang ni Louise de los Reyes ang isyung buntis siya. Nagtanungan pa ang mga intrigero’t intrigera kung sino raw kaya kina Enzo Pineda at Aljur Abrenica ang ama.

Nag-post kasi si Louise ng picture niya sa kanyang Instagram account na malaki ang tiyan niya. Eh, role lang pala niya ’yun sa isang episode ng “Magpakailanman.” Gaganap siya bilang Kim na pumatol sa isang lalaking may edad na.

Kulang si Kim sa pagmamahal, kaya nagrebelde siya at nabarkada sa mga bad influence. Nakilala niya si Mang Orly (Ricky Davao) at nagkaanak sila. Nang ipakilala niya ito sa kanyang ina (Gina Alajar), natuklasang ito pala ang kanyang tunay na ama. Paano kaya hinarap ni Kim ang sitwasyon?

Tutok lang ngayong Sabado sa “Magpakailanman” sa episode na pinamagatang “Ama Ko, Ama ng Anak Ko.” Tampok din sina Mel Kimura, Reese Tayag, Bryan Benedict at Phytos Ramirez.

comments