Home » Entertainment » Timing » Robin, gustong gawin ang Herbert C filmbio

Robin, gustong gawin ang Herbert C filmbio

HERBERT C

by Rowena Agilada

INTERESADO si Robin Padilla isapelikula ang life story ng high profile inmate na si Herbert C. Nalaman niya ang istorya nito mula sa kaibigan niyang fight instructor-director na si Val Iglesia. Kababayan ng wife nito si Herbert sa Ozamis City.

Pinapunta ni Robin si Val sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa para kausapin si Herbert. Bukod kay Robin, nagpunta at/o nagpasabi na rin ang apat o lima pang direktor na interesado ring isapelikula ang life story ni Herbert C.

Sa isang interbyu, sinabi ni Herbert na pinag-iisipan pa niya kung papayag siyang isapelikula ang kanyang buhay. Mahabang proseso raw kasi ang pagdaraanan at kailangang ikunsulta pa niya ’yun sa mga kinauukulan.

Mas gusto niyang mag-focus muna sa pagiging recording artist at happy siya na nag-platinum ang kanyang debut album titled “Herbert C Kinabukasan” na released ng Ivory Records. Ang second single niyang “Akala Mo Lang ’Yon” ay pinapatugtog sa ilang radio stations.

Second album
Inihahanda na ang second album ni Herbert C na kapapalooban ng revival songs ng ilan sa mga paborito niyang singers tulad nina Martin Nievera, Freddie Aguilar, Ariel Rivera, and the late Rodel Naval. May duet na kasama ni Herbert ang ilang inmates.

He’ s turning 41 on Sept. 19 at magkakaroon si Herbert ng birthday concert on Sept. 20 sa NBP. Birthday wish niya ay bigyan pa siya ng mahabang buhay, mabuting kalusugan at patuloy na gabayan siya ng Diyos sa kanyang advocacy na makatulong sa kanyang kapuwa inmates at sa mga pangangailangan ng pamilya ng mga ito.

Wish din niyang mabago na ang pagtingin sa kanya ng ibang mapanghusgang tao dahil sa madilim niyang nakaraan. Sana raw ay mapansin ang pagbabagong-buhay niya at sana raw kapag nakalaya na siya’y mabigyan siya ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanyang pagiging recording artist.

Never nag-sorry
Wonder what ang nararamdaman ngayon ni Katrina Halili na naungkat na naman ang sex video scandal nila ni Hayden Kho sa pagbalik ng medical license nito. Ilang taon na ang nakaraan at tahimik na ang buhay ngayon ni Katrina. Masaya na siya ngayong may anak na siya, si Katie, courtesy of Kris Lawrence.

Hindi maiwasang magbalik-alaala sa publiko ang sex video scandal nina Katrina at Hayden. From what we gathered, never nag-sorry sa kanya si Hayden. And now, naibalik pa ang medical license nito. Di kaya lalong nadagdagan ang sama ng loob ni Katrina?

Matatandaang suportado ni Senator Bong Revilla si Katrina. Kinarir ng senador ang pagsulong para matanggalan ng medical license si Hayden. Paano na maipaglalaban muli ni Sen. Bong si Katrina ngayong nakakulong siya sa PNP Custodial Center? Just curious, suportahan din kaya ni Katrina si Sen. Bong sa matinding pinagdaraanan nito ngayon? Sana naman, mag-effort si Katrina dalawin ang senador.

comments