Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Viet fans kilig kina Tom at Carla

Viet fans kilig kina Tom at Carla

TOM Rodriguez and Carla Abellana

by Rowena Agilada

MARAMING Vietnamese fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang sumalubong sa kanila pagdating nila sa Vietnam a few days ago. Mainit ang pagtanggap sa kanilang dalawa, kaya naman sobrang tuwa at pasasalamat nila sa fans and supporters nila roon.

Nagpunta sa Vietnam sina Tom at Carla para i-promote ang “My Husband’s Lover” na ipinapalabas sa isang TV station doon. Kasama rin nila si Jonalyn Viray sa ginanap na show nila roon.

Kilig-kiligan ang fans kina Tom at Carla at marami ang nagsabing they look good together. ’Yun din ang sinasabi ng fans nila rito sa Pilipinas. Tingnan nga natin kung eventually ay magkakadebelopan sina Tom at Carla sa panunukso ng fans at ng mga gustong maging “sila.”

Di iiwan
“Bhebs” pala ang term of endearment ni Kris Bernal kay Aljur Abrenica. Nai-post ni Aljur sa kanyang Instagram account ang isang heart-shaped na bato na sinulatan ng ganito ni Kris: “Bhebs Thank you… U know how much you mean to me. Ur very special… hope ul always remember me… m just me kahit among many more… di kita iiwan promise. I love you Krisb.”

Napaisip tuloy kami kung nagkaroon ba ng “something” noon sina Aljur at Kris? Sa mga interbyu kasi noon kay Kris, sinasabi niyang mahal niya si Aljur. Special ito sa kanya.

Sa pagkaalam namin, si Kris ang matinding pinagselosan noon ni Kylie Padilla. Si Kris din ang dahilan kung bakit hindi maamin noon nina Aljur at Rich Asuncion ang kanilang relasyon. Kainitan kasi noon ng AlKris love team.

Parehong single ngayon sina Aljur at Kris. Nakipag-break na ang huli kay Carl Guevarra. May mga nag-iisip na hindi raw kaya sina Aljur at Kris ang nakatakda para sa isa’t isa?

Pagbawalan kaya?
Sa Wednesday (July 23) ang presscon ng “Once a Princess” starring Erich Gonzales, Enchong Dee, and JC de Vera. Sana lang, hindi pagbawalan ang mga invited press people na tanungin si Enchong tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend. Mapilit naman kaya si Enchong magsalita tungkol sa relasyon nila ng kanyang GF?

Ang paeklay niya kasi’y non-showbiz ang GF niya at gusto niyang maging private ang kanilang relasyon.

Non-showbiz din ang boyfriend ni Erich na much older sa kanya. Huwag rin sanang pagbawalan ang press people na tanungin si Erich tungkol sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz BF. Is it true, two years ago pa sila engaged?

JC naman claims na single siya. Si Danita Paner ang huling girlfriend niya.

Siyanga pala, si Laurice Guillen ang direktor ng “Once a Princess” na prodyus ng Star Cinema.

comments