Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Natulala kay Nora

Natulala kay Nora

ROCCO Nacinoby Rowena Agilada

FEELING lucky and blessed si Rocco Nacino na nakatrabaho niya si Nora Aunor sa “Hustisya,” entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival billed as “Cinemalaya X.” Isa si Rocco sa mga GMA Artist Center talents na may entry sa naturang indie film festival na gaganapin next month.

Aniya, 70% ng pelikula’y ka-eksena niya si Nora at marami siyang natutunan mula sa superstar. “Tinuruan niya akong maging relaxed sa set. Nahalata niya kasing hindi ako komportable. Very supportive siya at parati niya akong inaalalayan sa mga eksena namin together. Hindi siya maramot at never niyang ipinaramdam na Superstar siya. She calls me anak,” wika ni Rocco.

Isang lawyer ang role ni La Aunor sa “Hustisya.” Bagong teleserye ni Rocco sa GMA7 ang “Hiram na Alaala” with Dennis Trillo, Kris Bernal, and Lauren Young. Directed by Dominic Zapata.

Chynna Ortaleza

Natutulala
Kasama rin sa “Hustisya” si Chynna Ortaleza, another GMA Artist Center talent. Personal assistant naman ni Nora Aunor ang kanyang role. Nakatrabaho na niya ito sa “Dimentia” at ani Chynna, isang malaking karangalan at pribilehiyo working with the Superstar.

“Nakakatulala siya kapag nag-roll na ang kamera. Ang bilis niyang mag-SWitch ng karakter. Hindi siya nagpe-prepare. Pakuwento-kuwento siya, parelaks-relaks. Pero pag sinabi ni direk Joel Lamangan na take na, agad-agad in character na siya.

Pag hindi siya satisfied sa acting niya, ipinapare-take niya kahit umabot pa sa Take 3,” lahad ni Chynna.

Aniya pa, nag-audition siya sa Cinemalaya for experience. Nanood siya ng mga entries last year at naengganyo siyang gumawa ng indie films. Muntik pa nga siyang hindi umabot sa audition dahil sobrang traffic. Ang ginawa niya, naglakad siya.

Bukod sa “Hustisya,” kasama rin si Chynna sa “#Y (Hashtag Y)” with Elmo Magalona. Nagtatrabaho siya (Chynna) sa isang call center na may support group sa mga taong may iba’t ibang problema. Entry rin ito sa “Cinemalaya X.”

Bawal pa magligawan
Bawal pa magligawan sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, 15 and 14 years old, respectively. Panay ang tukso sa kanila ng entertainment writers na dumalaw sa taping ng “Ismol Family.” For now, mukhang wala pang epekto ‘yun sa dalawang bagets. Hindi pa sila nako-conscious sa isa’t isa at mukhang nasa friendship level pa lang sila.

Hindi nga nag-e-effort si Miguel sunduin o ihatid si Bianca sa bahay nito kapag may taping sila kahit pa pareho silang nakatira sa Paranaque. Sa service ng GMA7 sumasakay si Bianca dahil wala pa siyang sariling sasakyan. Nag-iipon pa raw siya ng pambili.

Si Miguel naman ay tatlo na ang sasakyan. Aniya, mahilig din siyang mangolekta ng mga sapatos. Kinahihiligan niya rin ngayon ang wakeboarding.

Bianca naman is into sketching at mga abstract ang ginagawa niya. Dream niyang magkaroon ng art exhibit kapag marami na siyang nagawa.

* * *
Sa “Ang Dalawang Mrs. Real,” nalaman na ni Millet na may ibang asawa si Anthony sa Cebu. Kaabang-abang ang paghaharap nina Millet at Shiela.

May sampalan at sabunutan kayang maganap sa dalawang Mrs. Real ni Anthony? Ano’ng paliwanag ang gagawin ni Anthony kina Millet at Shiela at sino kaya ang pipiliin niya sa dalawa? Sino ang iiwan niya?

comments