Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tom, Carla pinakilig ang fans

Tom, Carla pinakilig ang fans

TOM and Carla

AYAW naming pangunahan, pero mukhang malaki ang posibilidad na maging dream come true ng TomCar fans na magkaroon ng “something” sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Kilig much ang TomCar fans sa suporta ni Carla kay Tom sa isang event. Naging interpreter ang Kapuso actor ng isang song entry para sa ginanap na competition ng mga composer.

Hindi nga lang WinWyn Marquez (as in winner) si Tom. Nevertheless, happy and honored siyang kasama siya sa mga song interpreter. Sa kanyang Instagram Account, pinasalamatan niya si Carla sa suporta nito sa kanya. Nagsilbi ring photographer ni Tom ang Kapuso actress na panay ang kuha ng pictures noong nag-perform ito on stage.

Hindi naman kaya dahil may ongoing TV series sina Tom at Carla, kaya nag-effort ang Kapuso actress? Malay natin, baka destiny nga nila ang isa’t isa? Sa true lang, kilig much sina Tom at Carla sa “My Destiny.”

Jomari Yllana

Wagi!
Congratulations kay Jomari Yllana na second runner-up sa ginanap na 2014 Petrons Philippine Motorsports Championship Philippine Yokohama Grand Touring Car Championship GT Race noong July 27 sa Clarkfield, Pampanga.

Nagkaroon lang ng minor injuries si Jomari at may mga gasgas siya sa dibdib, mga kamay at braso. Post niya sa kanyang Instagram account: “Bruises on my chest, hans (hands) and harness area and arm…I woke up with adrenaline today…This is what happens when you do a grt. (great) race without power steering. GROWTH is SILENT. It is PAINFUL and it is a GIFT.”

Nowhere in sight si Aiko Melendez (ex-wife ni Jomari) at ang anak nilang si Andrei. Othewise, nai-post ni Jom sa kanyang IG ang pictures ng mga ito. Noong balikan ni Jom ang car racing several months back ay ’andun si Aiko with Andrei and daughter Marthena (father is Martin Jickain) para suportahan si Jom. Baka may prior commitment si Aiko, kaya wala siya nitong nakaraang laban ni Jom.

Parang kuya raw, o!
Siguro naman, hindi na natin maririnig muli kay Billy Crawford ang mga katagang “I’m confused!” ngayong out in open na ang relasyon nila ni Coleen Garcia. Just curious, si Coleen kaya ang nakapagpagulo sa isipan ni Billy kaya nag-break sila ni Nikki Gil? Torn between the two young ladies kaya si Billy? O, may iba pang dahilan?

Natawa lang kami sa komento ng ibang tao tungkol sa relasyon nina Billy at Coleen. Para raw kuya ni Coleen si Billy. Early 20s lang kasi si Coleen at past 30 years old na si Billy.

Noong “sila” pa ni Nikki, komento naman ng iba, parang ate ni Billy si Nikki kahit mas bata ito sa TV host-actor. Mukha kasing mature sa edad niya si Nikki na 20 something lang.

In any case, may bagong boyfriend na si Nikki. Non-showbiz ito at businessman na BJ Albert ang pangalan.

comments