Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Iza: ‘Ang landi-landi ko pala’

Iza: ‘Ang landi-landi ko pala’

UNFAIR judgment ang sabi ni Dingdong Dantes sa mga nag-aakalang kaya lang siya magpapakasal ay dahil may plano siyang pumasok sa larangan ng pulitika. For the nth time, sinabi niyang wala siyang plano. Tumutulong siya sa mga less fortunate sa sarili niyang pamamaraan at hindi niya kailangang maging isang pulitiko pa.

Magpapakasal siya dahil gusto na niyang mag-asawa at si Marian Rivera ang babaeng gusto niyang maging Mrs. Marian Gracia Dantes.

Sa presscon ng GMA para sa “royal announcement” ng kanilang wedding, biniro si Dingdong ng entertainment writers na sana raw, walang maging pangalawang Mrs. Dantes. “Ah! Wala! Wala!” sambit ng Kapuso Primetime King.

Pareho sila ni Marian na homegrown talents ng GMA at memorable kina Dingdong at Marian ang “Marimar.” Una silang nagkakilala at nagkatrabaho sa naturang fantaserye na sinundan ng iba pang teleserye, hanggang nagkadebelopan at nagka-in love-an sila.

“You (entertainment press) are always with us. Nasubaybayan n’yo ang career at love story namin ni Marian, kaya gusto naming ibahagi sa inyo ang memorable event na ito. Sobrang overwhelmed kami. Parang nasa cloud nine pa rin kami. Sa GMA kami nag-umpisa. GMA is truly our home,” pahayag ni Dingdong.

Aniya, pinaplano nila ni Marian na pagkatapos ng kanilang kasal ay makikipag-bonding naman sila sa kanilang fans (Dong-Yan) dahil malaki rin ang bahagi ng mga ito sa kanilang buhay at karera.

Hindi siya nag-aalala na baka maapektuhan ang respective careers nila ni Marian kapag mag-asawa na sila. Malaki ang tiwala nila sa kanilang respective managers. Ang PPL ang management company ni Dingdong at ang Triple A naman ang kay Marian.

IZA Calzado

Malandi
Nasa marrying age na rin si Iza Calzado na 32 years old na. Three years na sila together ng Fil-British boyfriend niyang si Ben Wintle. Ani Iza sa presscon ng “Somebody to Love,” wala pa silang seryosong usapan tungkol sa pagpapakasal.

“Not very soon. Trabaho muna. Ipon-ipon muna. Marami pang factors to consider,” she said.

What if, mag-propose si Ben? “Choosy pa ba ako (laughs)? Huwag muna. Hindi pa rin ako handang magka-baby. Hindi ko pa napi-feel. Marami pa akong gustong gawin. Maybe in two years time, ready na ako.”

Cool guy, very understanding and supportive ang boyfriend niya, ayon kay Iza. Hindi ito nagselos noong pabirong sabihin niya sa solo presscon niya para sa “Somebody to Love” na kung magkakaanak siya, gusto niyang maging sperm donor si Piolo Pascual.

“Siguro kung 38 years old na ako (laughs). Parang hindi ko naman kailangan ang sperm donor. May boyfriend ako. I’m happy with my personal life. Bakit naman ako magpapakabaliw kay Piolo?” saad ni Iza.

Sabi pa ng dalaga, “Ang landi-landi ko pala. Madali akong makahanap ng boyfriend. Lovable kasi ako (laughs). Pag nakipag-break ako, sandali lang wala akong boyfriend.”

Ganda-gandahan
Ganda-gandahan at feeling tall and sexy si Kiray Celis noong presscon ng “Somebody to Love.” Kilig-kiligan siya nang tanungin ng isang reporter kung boyfriend ba niya ’yung guy na nagpa-tattoo ng face niya sa isang parte ng katawan nito.

Ani Kiray, kapag aprub sa mama niya, go! Nineteen years old na siya, pero wala pa at never pa siyang nagka-boyfriend. Mas priority niya ang kanyang pamilya dahil siya ang family breadwinner.

Hindi naitanong kay Kiray kung friends pa rin ba sila hanggang ngayon ni Inigo Pascual, anak ni Piolo Pascual. Natsismis pa nga sila noon.

comments