Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Carla, next Kapuso primetime queen?

Carla, next Kapuso primetime queen?

SINA John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban kaya ang peg nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo? Ayaw nina John Lloyd at Angelica na magkasama sila sa isang project since naging officially together sila.

Nagpahayag din si Matteo na ayaw nila ni Sarah na magkasama sila sa isang project. Napag-usapan nila ’yun ni Sarah. Gaya-gaya, puto maya sila kina John Lloyd at Angelica.

Ganoon din sina Gerald Anderson at Maja Salvador. Anila, okey na ’yung off-screen ay magkasama sila, huwag lang sa trabaho. Gusto nilang hiwalay ang personal na buhay sa kanilang careers.

CARLA Abellana

Next GMA Queen?
Next in line na nga ba si Carla Abellana para maging reyna ng GMA? Sa nalalapit na pagpapakasal ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes on December 30, may mga nagsasabing somehow ay mababago ang katayuan ni Marian bilang Kapuso Primetime Queen.

After their wedding, priority ni Marian ang mabuntis agad at magkaroon na sila ng baby ni Dingdong. Posibleng mag-lie low muna si Marian sa kanyang career, lalo pa’t gusto niya ng maraming anak. Kahit ilang anak ang gusto ni Dingdong handa niyang ibigay, kahit lumapad pa ang kanyang katawan, ayon kay Marian.

Kapag nagkasunud-sunod ang pag-aanak ni Marian, mababakante ang trono niya. Kaya may mga nag-iisip na posibleng si Carla na ang pumalit sa trono ni Marian.

LOVI Poe

May nagsasabi namang pwede ring si Lovi Poe ang next GMA Queen. What about Heart Evangelista?

Nag-uusap kaya?
Still on Carla Abellana, magkasama sila ni Lorna Tolentino sa “My Destiny.” Curious lang kami kung nakakapag-usap sila kapag break time.

Close friend ni Lorna T. si Gina Alajar na mother ni Geoff Eigenmann, Carla’s ex-boyfriend. Hindi kaya natatanong ni Gina si LT tungkol kay Carla? At kung napag-uusapan ba nila si Geoff?

Nakalabas na nga pala si LT ng ospital (Cardinal Santos Hospital) at nasa bahay na siya. Nagpapagaling na mula sa pagkadulas niya sa Greenhills Shopping Center. Hindi na siya inoperahan at nilagyan na lang ng braces ang kanyang likod. Hanggang three months ’yun.

comments