Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Di pa nakaka-move on

Di pa nakaka-move on

Mayor Herbert Bautista

HINDI pa nga ba nakaka-move on si Mayor Herbert Bautista sa break-up nila ni Kris Aquino? Ang paniwala kasi ni Kris, kapag nagsasalita ka pa tungkol sa isang tao, may care ka pa rin. Hindi pa rin daw ito nakaka-move on. Eh, siya (Kris) ay naka-move on na. Tumahimik na nga raw siya.

May mga nagsasabi naman na kapag ayaw mong pag-usapan ang isang tao, hindi ka pa nakaka-move on. ’Andu’n pa rin ang kirot/kurot o sakit na nararamdaman mo.

KRIS Aquino

Hindi nagustuhan ni Kris ang mga pahayag ni Mayor HB about her, lalo na siguro ’yung looking forward ito na sana’y magkaayos na rin sina Kris at Phillip Salvador, Kris at Joey Marquez. Sabi pa ni Mayor HB, maraming natutunan si Kris sa mga ito.

Buwelta ni Kris, huwag nang makialam sa buhay niya. Para sa kanya, si Derek Ramsay ang mahalaga sa kanya ngayon. The feeling is mutual kaya? Paano at ano naman kaya ang suportang ibinibigay ni Kris kay Derek sa kinakaharap nitong kontrobersiya?

No effort?
Dapat mag-double or triple effort si Sam Concepcion para mapalapit siya kay Anne Curtis. Mukhang hindi siya pabor sa boyfriend ng younger sister niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Sabi ni Anne, hindi sila close ni Sam. Pero civil naman sila sa isa’t isa. Matatandaang nagkaroon ng isyu noon kina Anne at Sam noong nagkita sila sa isang event.

Pero hindi naapektuhan ang boyfriend-girlfriend relationship nina Sam at Jasmine. Mukhang going strong pa nga kahit hindi pa nare-resolve ang isyu between Anne and Sam. Teka lang, hindi rin kaya nag-e-effort si Jasmine para mapalapit sa kanyang Ate Anne si Sam?

Buking!
Ibinuking ni Anne Curtis na nanliligaw si Sam Milby kay Shaina Magdayao. Subalit mariing itinanggi ito ni Sam. Mabuti na lang, safe ang sagot ni Shaina sa mga nagtatanong kung nanliligaw ba si Sam. Ito na lang daw ang tanungin.

Kung sinabi pala ni Shaina na nanliligaw sa kanya si Sam, napahiya siya dahil itinanggi ito ng binata. Hindi pa rin kaya maka-get over si Sam sa break-up nila ni Anne Curtis?

Nagbabakasyon
Wala pa rin si Boy Abunda sa “The Buzz” nitong nakaraang Linggo at malamang ay hindi pa rin siya mapapanood sa mga susunod na linggo. Hindi pa rin siya napapanood sa “Aquino & Abunda Tonight.”

Bagama’t maayos na ang kanyang kalagayan matapos tanggalan ng nana ang kanyang liver, kailangang magpahinga at magpalakas pa si Boy. Nagbabakasyon siya ngayon sa resthouse niya sa Tagaytay. At least, stress-free siya roon at fresh air pa ang nalalanghap niya. Walang pollution.

comments