Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pabonggahan ng outfit sa Star Magic Ball tonight

Pabonggahan ng outfit sa Star Magic Ball tonight

SAM Milby

MAMAYANG gabi na ang pinakaaabangang 8th Star Magic Ball ng ABS-CBN na gaganapin sa Makati Shangri-La Hotel. For sure, pabonggahan sa kanilang outfits ang Kapamilya stars.

Aabangan ang love partners na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, Gerald Anderson at Maja Salvador, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Xian Lim at Kim Chiu (na hindi pa rin umaamin sa kanilang relasyon).

Inaabangan din kung sino kaya kina Piolo Pascual at Sam Milby ang magiging escort ni Shaina Magdayao.

Eh, si KC Concepcion kaya? Dumating kaya siya kasama si Paulo Avelino? Iwasan na naman kaya ni KC si Piolo?

Isama kaya ni Jake Cuenca ang girlfriend niyang si Chanel Olive Thomas? Sino naman kaya ang date ni Coco Martin? Si Julia Montes kaya?

Anu-ano naman kaya ang “kadramahang” magaganap sa exciting event mamayang gabi ?

Peg?
Sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado kaya ang peg nina Carl Guevarra at Kris Bernal? Tulad nina Luis at Jennylyn, sa text din nagbreak sina Carl at Kris. Maraming bagay at magkaibang ugali ang hindi pinagkasunduan nina Carl at Kris, kaya nag-break sila. Mahirap kasing piliting baguhin ang isang tao sa kinaugalian na nito.

Just curious, bakit kaya hindi nagtatagal ang pakikipag-relasyon ni Kris? Inililihim pa niya at nalalaman na lang kapag break na sila.

Gaya ni Jay Perillo, umamin lang sila pareho ni Kris noong break na sila. Nasaan na nga ba ngayon si Jay? Sila pa rin kava ni Gretchen (nakalimutan namin ang apelyido) na winner sa isang reality search ng GMA7?

Gab and German Moreno

Tribute
Pararangalan sa “Walang Tulugan with the Master Showman” si Luis Gabriel Moreno, gold medalist sa Ninjiing 2014 Youth Olympics sa larong archery. Apo siya ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno. Aniya’y six years old pa lang si Gab ay mahilig na ito sa archery. Pangatlo sa apat na magkakapatid si Gab, three boys and a girl. Anak siva ni Federico Moreno (anak ni Kuya Germs) at Shiela Magdayao (kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao). Gab is 16 years old at high school student sa La Salle Greenhils.

Ayon kay Lolo Germs, first time sumali si Gab sa international competition, kaya sobrang proud siya na gold medalist ito sa nakaraang Ninjiing 2014 Youth Olumpics. A few days ago, nag-courtesy call si Gab sa Senado at sinamahan siya ng kanyang Lolo Germs. Asked kung magso-showbiz si Gab, “Ayaw niya,” ani Lolo Germs.

comments