Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris at Lauren pa-cute kay Dennis

Kris at Lauren pa-cute kay Dennis

STARS of ‘Hiram na Alaala,’ from left, Lauren Young, Dennis Trillo, Kris Bernal, Rocco Nacino

EWAN kung seryoso o para lang sa promotion ng “Hiram na Alaala” kaya parehong kilig-kiligan (kuno!) sina Kris Bernal at Lauren Young kay Dennis Trillo. Crush daw nila ang Kapuso Drama Actor.

Kesyo, kinakabog ang mga dibdib nila at parang nawawala sila sa kanilang mga sarili kapag ka-eksena nila si Dennis. May gano’ng factor?

Flattered naman si Dennis na feeling Adonis at ten feet tall dahil sa mga pa-cute nina Kris at Lauren. Abang-abang na lang kung sino sa kanila ang magwawagi sa pagpapa-cute nila kay Dennis.

Kasama rin nila sa “Hiram na Alaala” si Rocco Nacino. “Taken” na siya, kaya siguro kay Dennis kilig-kiligan (kuno!) sina Kris at Lauren. Single kasi ang Kapuso Drama Actor na ang huling ex-girlfriend ay si Bianca King.

Magsisimula sa Sept. 22 ang HNA sa GMA Telebabad.

Pasensiyosa
IT pays to be patient. Nine months naghintay si Kris Bernal ng bagong project matapos ang “Prinsesa ng Buhay Ko” with Aljur Abrenica. Ani Kris, hindi siya mareklamo at matanong na tao kung ano ba ang next project niya sa Kapuso Network.

Hindi siya na-insecure sa ibang talents kung may project ang mga ito. May iba naman siyang trabaho at isinasama siya sa regional shows. Meron din siyang SAS (Sunday All Stars) at TV guestings.

Ani Kris, alam niyang kung natagalan man na bigyan siya ng teleserye, pinag-isipang mabuti ng management kung ano’ng babagay sa kanya. Happy siya at dream come true na katrabaho si Dennis Trillo sa “Hiram na Alaala.”

Pansin lang namin na sa tuwing may bagong project si Kris ay timing na nakipag-break siya sa kanyang boyfriend. Intentional kaya ’yun?

May tampo o sama ng loob si Kris sa mga nakakarating sa kanyang diumano’y sinasabi ng ex-boyfriend niyang si Carl Guevarra. Kesyo, nagpakatanga raw ito sa two years na relasyon nila. Kesyo, hindi raw sineryoso ni Kris.

Ayon sa petite actress, maraming bagay silang hindi pinagkasunduan ni Carl. On-and-off ang relasyon nila hanggang nag-break na lang sila.

Nagsisisi
Pabirong sinabi ni Rocco Nacino na nagsisisi siyang tinuruan niya si Lovi Poe ng jiu-jitsu. Fast-learner daw ang kanyang girlfriend at binabali-balian na raw siya nito kapag sabay silang nagsasanay sa kanyang gym (Elorde Boxing Gym). Dalawang branches ang pag-aari ni Rocco, isa sa Ortigas at isa sa Marcos Highway.

Six months na officially together sina Rocco at Lovi at ayon sa morenong aktor, four months niya itong niligawan. Pinahirapan siya ni Lovi bago siya sinagot nito. Naganap ’yon sa Eiffel Tower sa Paris noong nagbakasyon sila several months back.

Going strong ang kanilang relasyon dahil ayon kay Rocco, wala silang “sakalan” ni Lovi. Pwede silang lumabas separately kasama ang kani-kanilang friends. Kahit gaano sila ka-busy sa kanilang trabaho, they see to it na may time sila sa isa’t isa. “Time management lang ’yan,” ani Rocco.

Matatapos na ang “Ang Dalawang Mrs. Real” ni Lovi at busy naman siya sa shooting ng “Shake, Rattle & Roll,” entry sa 2014 Metro Manila Film Festival. Si Rocco naman ay busy sa taping ng “Hiram na Alaala” na kapalit ng “Ang Dalawang Mrs. Real.”

Nagpo-promote rin si Rocco ng “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure.” Puring-puri siya ni direk Jun Urbano na nagsabing, “Hindi lang siya (Rocco) pretty boy. Take one actor siya. Nakita ko sa kanya ’yung passion niya for acting.”

comments