Home » Entertainment » Timing » Dingdong Namanhikan

Dingdong Namanhikan

music n magic

NAMANHIKAN na si Dingdong Dantes kasama ang kanyang pamilya sa Lola Inkang, Tito Leo at Mama Amy ni Marian Rivera para pormal na hingin ang kamay ng kanyang fiancee’. Sa bahay nina Marian sa Bacoor, Cavite naganap ang pamamanhikan noong September 17 na ayon kay Dingdong, nagdala ng Korean beef ang kanyang mommy. Nagluto naman ng menudo ang Lola Inkang ni Marian at healthy lumpia ang kanyang Mama Amy.

Sa pamamanhikan ng mga Dantes, nagpalitan sila ng mga pangako at plano sa pamilya ni Marian kaugnay ng nalalapit na kasal ng Kapuso Primetime King and Queen. Bagaman may wedding planner sila, hands-on pa rin ang Royal Couple, lalo na si Dingdong sa ginagawang preparasyon para sa kanilang wedding on December 30 sa Immaculate Conception Church. May reception venue na, pero ayaw pa nilang sabihin kung saan.

Post ni Marian sa kanyang Instagram account: “I had tears of joy last night because I felt so valued and blessed. I am so grateful to have my family by my side to support and love me unconditionally. To the Dantes family, thank you for making me feel welcome. Thank you for the respect and for showering me with love for over the past 5 years. Thank you Lord for giving me these two beautiful families in my life.”

Bahagi naman ng post ni Dingdong sa kanyang IG: “A promise was served between two families who support and understand each other under the spirit of this coming marriage. I am grateful to my whole family for being there with me (except Angelo who had to attend his studies) especially to my parents for taking the lead in asking for her hands. Nothing beats the Philippine tradition. Ultimately thank you to Lola Inkang, Tito Leo and Tita “Mama” Amy for once again instilling the blessing. Now we are all looking forward to the sweet dessert that a married life has to offer. Cheers!”

Reunion concert
After 35 years, magkakaroon ng reunion concert ang Music & Magic, top show band noong late 70’s at Dekada 80. Billed “Trending Music & Magic The Reunion,” gaganapin ito sa PICC Plenary Hall on October 3 at 8 pm. Kabilang sa magpe-perform sina Kuh Ledesma, Fe delos Reyes-Mendoza, Angeli Pangilinan-Valenciano, Eva Caparas, Vicky Sevilla-Pangilinan, Jet Montelibano, Butch Elizalde, Bobby Taylo, Toto Gentica, Hector Pedero, Nonoy Mendoza (brother-in-law ni Fe) at Jeanette Casuga-Trivias.

Si Vic del Rosario, big boss ng Viva Entertainment ang nagka-ideya na magkaroon ng reunion concert ang Music & Magic, sa pakikipagtulungan ni Sandra Chavez ng Artist House.

Noong na-disband ang grupo, nagkaroon sila ng kanya-kanyang career. Nag-solo si Kuh. Naging entertainment producer-talent manager si Angeli na wife ni Gary Valenciano. Si Butch na ex-boyfriend ni Angeli ay band member ngayon ng Route 70, married to producer/artist manager Marinez Elizalde.

Si Jet ay nag-migrate sa US at naging concert promoter/producer. US-based din sina Eva at Fe at show performers pa rin. Ex-boyfriend ni Fe si Jet who married entertainment manager Edith Gomez.

Asawa naman ni Lou Bonnevie si Toto na nagpo-produce ng commercials at entertainment projects. Music producer naman si Hector at drummer naman ng 8-Track band si Nonoy na soloist si Vicky na isang dentista. Husband niya si Joseph Pangilinan na brother ni Angeli. Si Jeanette naman ay music director at keyboard artist sa Hawaii. Mag-ex sila ni Bobby.

Sa presscon ng kanilang reunion concert, kinanta ng grupo ng acapella ang “Sugar Pie Honey Bunch.” Nakaw-eksena si Kuh na tumuntong pa sa silya. Ibinuking ng mga kasama niya na parati silang nauuto ni Kuh. Noong pictorial, hindi ito sumusunod sa napag-usapang pose para maiba ito. Noong presscon naman, sinabihan sila ni Kuh na black and white ang isuot nila. Pero dumating ito na naka-all white get-up. Tinalian lang ni Kuh ng black handkerchief ang kanyang left wrist. Naisahan na naman niya ang mga kasama niya.

comments