Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur, nanliligaw muli

Aljur, nanliligaw muli

Aljur Abrenica

MAY sakit na dementia ang mother ni Direk Perci Intalan, kaya close to his heart ang first movie directorial job niya, ang “Dementia.”

“I wanted to show the dynamics of a family that is living with a dementia patient. But I did not want to make it about the illness per se nor did I want to make it a drama about the family and the tension within it,” lahad ni Direk Perci.

Aniya, it took two years bago nasimulan ang naturang pelikula. Usap-usap sila ng better-half niyang si Direk Jun Lana hanggang nabuo nito ang istorya.

Ayon pa kay Direk Perci, si Nora Aunor ang personal choice niya para i-direk sa kanyang unang pelikula. Naging acting manager siya ng Superstar noong TV5 executive pa siya (Direk Perci). Hindi nga niya akalaing magiging close sila ni La Aunor. Sobrang thankful si Direk Perci nang pumayag ang Superstar gawin ang “Dementia.”

“Pakiramdam ko, parang nanganganak ako,” ani Direk Perci. “Ninenerbiyos ako. But she’s very supportive. Very inspiring, kaya sinabi ko sa sarili ko, kailangang pagbutihin at pagandahin ang
pelikulang ito.”

Thankful din si Direk Perci kay Direk Jun Lana sa support at guidance nito during the shoot.

Kylie Padilla2

Ayaw na
Ayaw na makipagbalikan ni Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Balitang sinusuyo raw muli ng binata ang kanyang ex-girlfriend. Mukhang naging pusong bato na yata si Kylie na labis na nasaktan nang makipag- break sa kanya si Aljur.

Sino ba naman ang hindi masasaktan? Sa text o telepono lang brineyk ni Aljur si Kylie na itinaon pa nitong nagbabakasyon sa Australia ang dalaga.

Naka-move forward na si Kylie at sinunod lang niya ang payo ng kanyang Mommy Liesel Sicangco na huwag na siyang makipagbalikan kay Aljur. Na-realize kaya ni Aljur na malalaman mo lang ang kahalagahan ng isang tao kapag nawala na ito sa iyo?

OGIE Alcasid

Magtatapat?
How true kaya ang tsika na, diumano, magkakaroon ng noontime show ang TV5? Si Ogie Alcasid daw ang host at itatapat ito sa “Eat Bulaga” at “It’s Showtime.”

Bahagi ng “Eat Bulaga” si Michael V. na friend at kumpare ni Ogie. Ibig sabihin, magtatalo-talo na sila? Matatandaang sa isang contest na sinalihan noon ni Michael sa “Eat Bulaga” ay isa si Ogie sa board of judges. Natalo si Michael dahil hindi siya ibinoto ni Ogie.

Magkasama noon sina Michael at Ogie sa “Bubble Gang” sa GMA7.

MICHAEL V

Naiwan si Michael nang lumipat sa TV5 si Ogie. Pero nanatili pa rin ang pagiging magkaibigan nila. Ganoon pa rin kaya sila kapag nagtapat na ang kanilang respective noontime shows? Sabagay, hindi naman main host ng EB si Michael. Trabaho lang, walang personalan.

comments