Home » Entertainment » Timing » Tsika: Jolina babalik sa Dos; katambal si Marvin sa ‘Flordeliza’

Tsika: Jolina babalik sa Dos; katambal si Marvin sa ‘Flordeliza’

JOLINA Magdangal

HOW true kaya ang tsikang diumano’y babalik sa ABS-CBN sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin? Diumano pa rin, magtatambal sila sa isang teleserye, “Flordeliza” na ipapalit daw sa “Please Be Careful with My Heart.” Matatapos na ito next month.

Months ago pa nagsimula ang tsika sa diumano’y paglipat ni Jolina sa Kapamilya Network. Subali’t nananatiling tahimik ang Singer-actress and her camp. Napapanood pa rin siya sa SAS (Sunday All Stars) sa GMA7.

Nakakaintriga lang ang post ni Jolina sa kanyang Instagram account: “God says it’s just a matter of time.” Duda ng kanyang IG followers, pahiwatig daw ‘yun ni Jolina na babalik na siya sa ABS-CBN? Well … abang-abang na lang pag may time.

As for Marvin, curious lang kami kung tapos na rin ba ang kontrata niya sa TV5, kaya may tsikang diumano’y babalik siya sa ABSCBN? Nag-GMA7 na rin siya and then, lumipat siya sa TV5.

Intriguing

Nakakaintriga ang post ni Geoff Eigenmann sa kanyang Instagram account. Sino kaya ang pinatatamaan niya? “I love making people who already hate me hate me more. Keep talking about things you know nothing about. Magmarunong pa kayo. Keep hating you people are my daily dose of stupidity.”

Puno ng angas, galit at sa kit ng loob kung aanalisahin ang post ni Geoff. May kinalaman kaya ‘yun sa break-up nila ni Carla Abellana? Mukhang bad break-up talaga ang nangyari sa kanilang dalawa, kahit hindi nagsasalita si Geoff since they broke up.

Masakit isiping si Carla ang nakipag-break. Sa isang interbyu kay Gina Alajar, Geoff’s mom, sinabi niyang nakikita ng anak niyang tatanda ito kasama si Carla habangbuhay.

Destiny marahil na maghiwalay sila after almost three or four years of being together. Sad di ba naman?

Maybe it’s about time na maghanap na si Geoff ng ibang babaeng muling magpapatibok ng kanyang puso. Mukhang sa Eigenmann boys, matinding magmahal si Geoff at hindi papalit-palit ng girlfriend. Tama ba kami?

rayver cruz and kylie padilla copy

Walang ka-share

Sabi ni Kylie Padilla, feeling niya’y wala siyang magiging ka-share kay Rayver Cruz. Maalaga at sobrang gentleman pa raw ito.

May ka-share ba siya kay Aljur Abrenica that time na together pa sila? Natawa si Kylie at ang palusot niya’y wala siyang ka-share kay Rayver dahil ito ang unang Kapamilya star na kaibigan niya. ‘Yun lang kaya ‘yun?

Showing na ang “Dilim,” first movie ni Kylie. First time rin nilang nagkatrabaho ni Rayver dito.

Tingnan natin kung magpapatuloy pa rin ang sinabi ni Kylie na hindi sila showbiz friends ni Rayver. Magkikita pa rin daw sila.

Nagpunta si Rayver sa Australia para sa isang concert kasama ang ilang Kapamilya actors. May pasalubong kaya si Rayver kay Kylie pagbalik niya sa Pilipinas?

After working with Rayver, wish naman ni Kylie makatrabaho ang isa pang Kapamilya actor na si Jericho Rosales. Ito ang kanyang first showbiz crush, ayon kay Kylie.

comments