Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Miguel at Ruru kinikilig kay Marian

Miguel at Ruru kinikilig kay Marian

MARVIN Agustin

CONFIRMED! Bumalik na nga si Marvin Agustin sa ABS-CBN at may gagawin siyang isang soap opera. Ito kaya ’yung natsitsikang “Flordeliza” na pagtatambalan nila ni Jolina Magdangal?

After seven or eight years, balik sa original home studio niya si Marvin. Aniya, emotional siya. Homegrown talent siya ng Kapamilya Network at maraming nagawa ito sa kanyang career. He’s happy to be back home.

Ruru Madrid and Miguel Tanfelix

Walang dapat aminin

Kilig-kiligan si Miguel Tanfelix nang sabihin ni Marian Rivera na crush siya nito noong nag-guest siya sa “Marian” show. Ani Miguel, hindi siya makapaniwalang crush siya ng Kapuso Primetime Queen at aniya, nakaka-inspire.

Paano kung mapaglihian ka ni Marian? “Ay, okey lang po,” sambit ng GMA Artist Center talent.

Ano ba talaga ang totoo sa kanila ni Barbie Forteza at bakit nali-link sila sa isa’t isa? “Hindi ko po alam. Nagkikita lang po kami sa SAS (Sunday All Stars). Nagkatrabaho na po kami sa ‘Paroa’ at sweet-sweetan kami. Pero wala pong malisya. Magkaibigan lang kami. Wala po kaming dapat aminin,” wika ni Miguel nang nakausap namin sa taping ng “Magpakailanman.”

Ayon sa bagets, sila ni Bianca Umali ang madalas magkasama. Inspirasyon niya ito sa kanyang pagtat rabaho. Pero walang ligawang nangyayari dahil pareho pa silang bata.

Isang rebeldeng anak ang role ni Miguel sa “Magpakailanman” sa episode na pinamagatang “Cain at Abel, Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story.” Siya si Joven na inampon ng kanyang lola na inakala niyang tunay niyang ina. Mapapanood ito ngayong Sabado pagkatapos ng “Marian” sa GMA7.

Iniingatan

Talent din ng GMA Artist Center si Ruru Madrid na nakausap din namin sa taping ng “Magpakailanman.” Aniya, kilig-kiligan siya kay Marian Rivera. Crush niya ito at si Solenn Heussaff. Wish niyang makatrabaho ang mga ito.Ani Ruru, tinetext niya si Marian para kumustahin. Hindi naman daw nagseselos ang fiance nitong si Dingdong Dantes.

Sabi ni Ruru, posible siyang ma-in love sa isang older woman. “Hanggang 45 years old lang (laughs),” he said. Wheee!

Kumusta naman sila ni Gaby Garcia? Nagkikita pa ba sila kahit tapos na ang “My Destiny”?

“Oo naman. Parati kaming magkasama. Magaan ang loob ko sa kanya. Nanonood kami ng sine kasama ang ate niya. Minsan, kumakain kami sa labas. Naghoholding hands pa kami,” lahad ni Ruru. Pero aniya, walang malisya ’yun. Iniingatan lang daw niya si Gaby dahil baka madulas ito o madapa. Charing!!!

Ruru plays Cedric sa “Magpakailanman” na isa ring ampon. Lumaki sila ni Joven (Miguel Tanfelix) na inakala nilang magkapatid sila. Si Celia Rodriguez (as Manay Leonida) ang nagampon sa kanila na inakala nilang tunay nilang ina.

Sa heavy drama scene nila ni Celia, natakot siya, ayon kay Ruru. Na-intimidate siya dahil alam niyang magaling at multi-awarded actress ito. “Ginalingan ko na lang ang pag-arte,” ani Ruru.

Tampok din sa “Magpakailanman” sina Maybeline dela Cruz, Patricia Ysmael at Ina Feleo. Mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes.

comments