Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Raymart: Balikan with Claudine suntok sa buwan

Raymart: Balikan with Claudine suntok sa buwan

Raymart Santiago

SUNTOK sa buwan kung magkakabalikan pa sila ni Claudine Barretto, ayon sa isang panayam kay Raymart Santiago. Malaki ang tampo niya sa kanyang estranged wife dahil namatay ang kanyang mommy (former actress Cielito Legaspi-Santiago) na ilang taon nang hindi nito nakita ang mga apo, sina Sabina at Santino.

Ayon pa kay Raymart, hindi tinupad ni Claudine ang napag-usapan nila na tatlong araw ang mga bata sa burol ng kanilang lola Celing. Isang araw lang daw ’andun ang mga ito at pinauwi na ni Claudine.

May dumalaw lang daw para makiramay sa kanila, bagay na hindi nagustuhan ni Claudine. Hindi man nagbanggit ng pangalan si Raymart, sina Gretchen at Marjorie Barretto ang mga ’yun.

High school crush
The search is over, sabi ni John Prats on national TV. Si Isabel Oli na talaga ang babaeng gusto niyang makasama for the rest of his life. For sure, kilig-kiligan ang kanyang fiancee.

Ayon kay Isabel, high school crush niya si John. Nasa Cebu pa lang siya noon ay malaki na ang paghanga niya sa aktor. Minsang may event doon at performer si John ay talagang nag-effort siyang puntahan ito. Pero hinarang siya ng security guard.

Noong nag-artista na si Isabel, no pansin siya kay John kahit nagkasama sila sa isang TV show sa ABS-CBN. Noong lumipat si Isabel sa GMA7, napanood siya ni John sa isang TV show. Nagka-interest siya kay Isabel, kaya nagpatulong siya sa sister niyang si Camille. Hiningi niya rito ang cellphone number ni Isabel.

Ayon kay John, talagang kinarir niya para mapalapit siya kay Isabel. Sa ka-e-effort niya, bumigay rin ito. One year and nine months na silang together at ikakasal na sila sa May next year.

Parang fairy tale romance dahil ang high school crush ni Isabel ay husband-to-be na niya. Wifey at fiancee ang tawag sa kanya ni John.

PANCHO Magno celebrates birthday with the aged.

Paboritong apo
Paboritong apo si Pancho Magno ng kanyang lolo’t lola at sinasabi sa kanya na siya ang pinakaguwapong apo ng mga ito. Huwag lang daw niyang sasabihin sa kanyang mga pinsan.

Dahil malapit si Pancho sa kanyang grandparents, naisipan niyang i-celebrate ang kanyang birthday sa piling ng mga matatanda na nasa pagkakalinga ng Luwalhati ng Maynila.

Nag-share ng kanyang blessings ang GMA Artist Center talent at nakipagsayaw pa siya sa mga ito. Tuwang-tuwa ang mga matatanda sa pagbisita sa kanila ni Pancho.

Napapanood siya sa “Ang Lihim ni Annasandra” with Mikael Daez and Andrea Torres sa Afternoon Prime ng GMA7.

comments