Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kristoffer-Joyce fans still hoping for reconciliation

Kristoffer-Joyce fans still hoping for reconciliation

KRISTOFFER Martin and Joyce Ting

KAYA pala “pinatay” ang karakter ni Joyce Ching bilang Dorina sa “Strawberry Lane” ay dahil may gagawin siyang bagong teleserye para sa Afternoon Prime ng GMA7. Si Kristoffer Martin ang katambal niya.

“Tunay na Ina” ang pamagat ng reunion project nina Kristoffer at Joyce. Huli silang nagkatrabaho sa “Paraiso Ko’y Ikaw.” Break na sila nang gawin nila ang naturang teleserye.

Kasama sa “Tunay na Ina” sina Angelika dela Cruz, Krystal Reyes, Mickey Ferriols, at Neil Ryan Sese. Kilig-kiligan ang fans sa pagtatrabahong muli nina Kristoffer at Joyce. Nabuhayan sila ng pag-asang baka this time ay magkabalikan ang dalawa.

They were together for two years and eight months. Ano’ng malay natin, baka may balikang maganap kapag nagte-taping na ang ex-sweethearts ng kanilang teleserye? Or, nagkabalikan na kaya sila? Abangabang na lang pag may time.

Huwarang anak
Walang masama kung jeepney driver ang tatay ni Coco Martin. Sa pagkaalam namin, binili ‘yun ni Coco for his father dahil gusto nitong may sariling kita. Ayaw nitong umasa na lang kay Coco kahit malaki ang kinikita ng aktor.

Saludo kami sa tatay ni Coco dahil nagsasariling sikap ito. Hindi tulad ng ibang magulang ng ibang celebrity na nakadepende na lang sa suporta ng anak. “Yung iba, nag-resign pa sa kanilang trabaho para maging alalay na lang ng kanilang anak. Ang tamaan, huwag magagalit!

Mabait, mapagmahal at mabuting anak si Coco, kaya patuloy na dumarating ang blessings sa kanya. Mapagmahal siya sa kanyang pamilya at dahil gusto niyang magkakasama sila, sa isang malaking compound sa Novaliches sila nakatira.

Balita namin, mansion ang ipinagawa ni Coco. Panganay siya sa anim na magkakapatid, dalawang babae at apat silang lalaki.

‘Andun ang pamilya ng aktor sa nakaraan nitong birthday celebration na ginanap sa Cities Events Place. Just asking, inimbita kaya si Senator Sonny Angara? Sinuportahan siya ni Coco noong kasagsagan ng kampanya noong nakaraang eleksiyon.

Trip to Boracay ang natatandaan naming pangako ng senador kay Coco. Hindi pa rin nakakapunta roon ang aktor dahil naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho.

Next year pa gagawa uli ng bagong teleserye si Coco, kaya medyo maluwag-luwag ang iskedyul niya. Baka puwede na niyang maisingit ang matagal na niyang pinapangarap na bakasyon sa Boracay. Just curious, sagot pa rin kaya ‘yun ni Senator Sonny?

kc-with-grandma

Wala na
Sana naman, hindi madepress muli si Sharon Cuneta sa pagkamatay ng kanyang mommy Elaine Cuneta. Sobrang depression ang pinagdaanan noon ng megastar. Pero unti-unti rin siyang nakarecover.

Sana, makayanan ni Sharon tanggapin ang pagkawala ng kanyang mommy Elaine. Sobrang lungkot at apektado si KC Concepcion sa pagkamatay ng kanyang lola Elaine. Super close ang mag-lola na parating dinadalaw at binabantayan ni KC ang kanyang lola noong naka-confine ito sa hospital.

Nakakatandang kapatid ni Helen Gamboa-Sotto si mommy Elaine. Our condolences sa pamilya Gamboa at Cuneta.

Tatlong showbiz mothers ang sunud-sunod namatay ngayong huling apat na buwan ng 2014. Una ang mommy ni Cherry Pie Picache, sumunod ang mommy Celing nina Randy, Rowell at Raymart Santiago, pangatlo si mommy Elaine. May their souls rest in peace!

comments