Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julia gets jeers for denying Julian

Julia gets jeers for denying Julian

JULIA Barretto

MUKHANG mas marami ang nakikisimpatiya kay Julian Estrada kesa kay Julia Barretto. Pinapa-retract kasi diumano ng kampo ni Julia ang sinabi ni Julian na six months ang naging relasyon nila.

Ayon sa supporters ni Julian, porke raw ba hindi ito sikat, kaya hindi maamin ni Julia na naging boyfriend niya ang anak ni Senator Jinggoy Estrada? Ikinahihiya ba raw ni Julia si Julian?

Kung halimbawa raw kayang sikat si Julian, magawa pa kayang itanggi ni Julia ang naging relasyon nila?

Dagdag-nega kay Julia ang ayaw niyang pag-amin sa naging relasyon nila ni Julian.

Nauna rito ang ginawa niyang pagpalit ng apelyidong Baldivia sa Barretto. Baldivia ang tunay na apelyido ng biological father niyang si Dennis Padilla.

Ipapalabas na sa Nov. 12 ang “Relaks It’s Just Pag-ibig” na tinatampukan ni Julian. Mas pinag-usapan pa nga siya kesa kay Inigo Pascual na kasama niya sa naturang pelikula.

Obserbasyon pa ng iba, mas may karakter si Julian. Siya raw ’yung tipong tahimik ngunit mapanganib ang personality. ’Yun bang parang may itinatagong kapilyuhan ang mga mata.

Balik-TV
May hawig si Leni Santos kay LJ Reyes. Pwede silang gumanap na magkapatid o mag-ina sa isang teleserye. Balik-TV si Leni sa “More Than Words” na mapapanood on Nov. 17 sa GMA7 pagkatapos ng “24 Oras.”

Balik-tambalan sila ni Rey “PJ” Abellana. Gaganap sila bilang mag-asawa na kikilalaning mga magulang ni Elmo Magalona. Si Janine Gutierrez ang ka-love team ni Elmo.

Huling teleserye ni Leni ay ang “Sa Puso Ko Iingatan Ka” sa ABS-CBN with Piolo Pascual and Judy Ann Santos. Hindi niya ito natapos dahil nagtungo siya sa US para magbakasyon. Hindi na siya pinayagang bumalik ng asawa niya at eventually ay naghiwalay sila. Si Jeffrey Salvador, anak ng yumaong actor-director-producer na si Leroy Salvador ang ex-husband ni Leni.

Twelve years sa US si Leni at nagtrabaho siya bilang med tech sa isang nursing home sa Las Vegas. May Pinoy non-showbiz boyfriend ngayon si Leni at aniya, one and a half years na ang kanilang relasyon.

Magtatambal
Sa story con pa lang ng gagawing pelikula nina Dennis Trillo at Maja Salvador, nakitaan na agad sila ng chemistry. Nag-post si Maja sa kanyang Instagram account ng magkasamang picture nila ni Dennis at nabagayan din kami sa kanilang dalawa.

Joint venture ng Regal Entertainment at Star Cinema ang pelikulang pagsasamahan nina Dennis at Maja sa direkson ni Chris Martinez.

Mabuti na lang at “taken” na si Maja. Hindi dapat kabahan ang boyfriend niyang si Gerald Anderson. Hindi mali-link sa isa’t isa sina Maja at Dennis na single pa rin ngayon after his break-up with Bianca King three (or four?) years ago. ’Yun nga lang, kapag inumpisahan na ang promotion ng movie nina Dennis at Maja, baka kiyeme-kiyemeng may romantic angle. What else is new?

comments