Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dong-Yan naunahan sa pre-nuptial photos

Dong-Yan naunahan sa pre-nuptial photos

NAUNAHAN nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paglabas ng kanilang pre-nuptial photos. Sa bayan ni Sen. Chiz sa Sorsogon nag-pre-wedding pictorial sila ni Heart. Ipinost ng bride-to-be ang mga ito sa kanyang Instagram account.

Si Marian naman ay nag-fitting na ng kanyang bridal gown na si Michael Cinco ang designer. Kagagaling lang nila ni Dingdong Dantes sa Dubai para sa isang show ng GMA Pinoy TV.

Nakadalawang bridal showers na si Marian na ang una’y ginanap sa Hong Kong. Bibigyan naman si Heart ng bridal shower nina Lovi Poe at Solenn Heussaff, mga kaibigan niyang aktres at bridesmaids niya sa wedding nila ni Senator Chiz Escudero.

Nauso ang marriage proposals sa mga showbiz couple. Pero sa mga engaged couple, pinakaaabangan ang “Royal Wedding” nina Dingdong at Marian on Dec. 30 this year at ang kasal nina Sen. Chiz at Heart on February next year sa Balesin Island, Quezon.

Echosera
Echoserang frog din si Bangs Garcia. Aniya, exclusively dating pa lang daw sila ni Phil Younghusband. Hindi pa raw sila officially together at nasa getting-to-know-you stage pa lang daw sila.

Sabi pa ni Bangs sa isang interbyu, hindi na siya nag-e-entertain ng ibang suitors at hindi na rin daw nanliligaw sa ibang babae si Phil. Sabi pa ni Bangs, nagustuhan niya ang pagiging God-fearing ni Phil at ang pag-aalaga at pagmamahal nito sa bunsong kapatid na babae since namatay ang kanilang mommy.

Nakaka-relate siya dahil mahal na mahal din niya ang kanyang kapatid na may down syndrome, ayon kay Bangs.

May lead na
May lead na raw si Paolo Bediones kung sino ang dapat managot sa ikinalat na sex video niya. Naghahanap lang daw ng matibay na ebidensiya si Bediones at itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso.

Aniya, hindi siya titigil hanggang hindi napaparusahan ang dapat managot sa pagkalat ng kanyang sex video. Good thing na sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Paolo ay nanatili ang suporta sa kanya ng TV5. Hindi siya iniwan sa ere at patuloy ang pagtatrabaho niya sa Kapatid network.

Kim Chiu & Xian Lim

Magmaldita kaya uli?
May presscon today ang “Past Tense” ng Star Cinema na tinatampukan nina Kim Chiu at Xian Lim. Ano naman kaya ang bagong pasabog ni Kim kapag kinulit na naman sila ng entertainment press tungkol sa estado ng kanilang relasyon?

Noong presscon para sa isang huling pelikula nila’y nagmaldita-malditahan si Kim. Sinabi niya, “We don’t owe you an explanation,” nang tanungin siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian. I-replay kaya ni Kim ang sinabi niya kapag kinulit na naman sila ni Xian sa presscon ng bago nilang movie?

Anyway, kasama sa cast ng “Past Tense” sina Ai-Ai delas Alas, Benjie Paras, Melai Cantiveros at Daniel Matsunaga. Mula ito sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.

comments