Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kiko and Kim: Friends lang pero exclusive sa isa’t isa

Kiko and Kim: Friends lang pero exclusive sa isa’t isa

KIM Rodriguez

ALA pa rin sila sa estadong boyfriend-girlfriend, ayon kay Kim Rodriguez. Super close friends lang sila ni Kiko Estrada, aniya sa mga nakausap na entertainment writers sa taping ng isang teleserye.

May agreement daw sila ni Kiko na hindi na siya pwedeng magpaligaw sa ibang lalaki, at hindi na rin ito pwedeng manligaw sa ibang babae. May gano’ng kakiyemehan?

Sabi pa ni Kim, may pagka-seloso raw si Kiko. May karapatan na ba itong magselos kung ang press release nila’y super close friends lang sila?

Tsika pa ni Kim, binigyan siya ni Kiko ng asong Shih Tzu na pinangalanan niyang Chewy. Three months old na ito. Ani Kim, nawala ’yung aso niyang Shih Tzu, kaya binigyan siya ni Kiko. Una muna siyang binigyan ni Kiko ng malaking stuff toy bilang kapalit ng nawala niyang Shih Tzu.

Lilipat ba o hindi?
Wala pa rin palang katiyakan kung lilipat si John Prats sa GMA7. Ayon sa tsika, hindi raw nagustuhan ng kampo ng aktor ang unang project na gagawin sana ni John.

Itatampok sana siya sa isang episode ng “Magpakailanman.” Pero hindi diumano nagustuhan ni John ang role. May tsika namang, hindi rin diumano nagkasundo ang kanyang manager at ang GMA sa nakasaad sa kanyang kontrata.

May mga bagay-bagay pa raw na dapat ayusin. Abang-abang na lang kung lilipat si John sa GMA.

Intriga!
Ayaw patulan ni Rita de Guzman ang intriga sa kanila ni Julie Anne San Jose. Naging magkalaban sila sa Pop Star Kids na si Rita ang nanalo, samantalang runner-up lang si Julie Anne.

Nagkasama rin sila sa singing group na Sugar Pop. Nabuwag na ang grupo at nag-solo artist na si Julie Anne, gayun din si Rita.

Ang intriga, naunahan pa ni Julie Anne si Rita magkaroon ng first major solo concert. Billed “Hologram,” prodyus pa ito ng GMA Network, Inc. at Tarroza Entertainment. Gaganapin ito sa Dec. 13 sa SM Mall of Asia Arena.

Wala si Rita sa listahan ng guest performers ni Julie Anne na hindi naman ikinasama ng loob ni Rita. Hindi rin siya makakapanood ng concert ni Julie Anne dahil may school pa siya at malapit na ang finals nila. Tuesday, Thursday, Saturday ang klase niya.

Happy naman daw siya for Julie Anne at wish niyang maging successful ang concert nito. Wala raw siyang inggit o selos factor kung GMA ang producer ng concert ni Julie Anne, kahit pareho silang Kapuso stars.

Concert producer din ang manager ni Rita, pero aniya, hindi pa siya talaga handang mag-concert.

Kim Chiu

Forgive and forget
Kung napatawad na ni Kim Chiu ang kanyang daddy dahil iniwan nito silang magkakapatid sa kanilang lola noong naghiwalay ito and her mom, magawa rin kayang patawarin ni Kim ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson at Maja Salvador na dati niyang best friend?

Forgive and forget na si Kim sa ginawa sa kanilang magkakapatid ng kanilang daddy. Okey, alright na sila ngayon.

Sa presscon ng “Past Tense,” sabi ni Kim, “Everything happens for a reason. ’Yung mga lungkot at sakit na pinagdaanan mo, later ay mari-realize mo na dapat ay maging masaya ka na sa future. Once napagdaanan mo, makakaluwag ka na for the future.”

Ibig kayang sabihin ni Kim, handa na rin kaya siyang mag-forgive and forget sa ginawa sa kanya nina Gerald at Maja? Abang-abang na lang pag may time kung kaya na rin ba ni Kim maging friends silang muli ni Maja. What about Gerald?

Si Xian Lim na kapareha ni Kim sa “Past Tense” ang diumano’y nakakatulong sa aktres para maka-move on ito sa hiwalayan nila ni Gerald. Masaya siya kung anuman meron sila ngayon ni Xian, ayon kay Kim.

comments