Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ryzza gustung-gusto nang magpakasal sina Vic at Pauleen

Ryzza gustung-gusto nang magpakasal sina Vic at Pauleen

alonzo and ryzza

EWAN kung scripted o hindi ang palitan ng mga salita nina Ryzza Mae Dizon at Alonzo Muhlach noong presscon ng “My Big Bossing.” ’Kaaliw ang dalawang bagets nang sabihin ni Ryzza kay Alonzo na, “Uy! Crush mo ’ko.” “Ayoko na!,” nakasimangot na sabi ni Alonzo. “I like Ryzza as a friend.”

Nine years old si Ryzza, four naman si Alonzo na Inglisero. Pero bumabanat din ng Ingles si Aling Maliit. When told na ex-boyfriend niya si Bimby Yap, “Face time lang ’yun. I like to keep my life private,” litanya ni Aling Maliit.

Sa palagay ba niya, malalampasan ng “My Big Bossing” ang “My Little Bossing” na ginawa nila last year ni Bimby? “Absolutely without a doubt,” hirit ni Ryzza. “Bonggang-bongga! Little lang last year, big na ngayon.”

May entry din si Bimby sa 2014 Metro Manila Film Festival, ang “Private Benjamin” with Vice Ganda at magandang abangan kung kaninong pelikula ang mas tatangkilikin ng moviegoers.

Sabi ni Vic Sotto na kasama ni Ryzza sa “My Big Bossing,” hindi raw niya iniisip ang ibang festival entries kung alin ang magna-number 1, 2, 3, and so on. “Petty ’yun para sa akin. It’s just a number. Hindi ko pinapansin. Ang iniisip ko, paano pagagandahin ang pelikula namin. Ang importante, magustuhan ’yun ng mga manonood. Gusto ko, kumita lahat ng festival entries,” pahayag ni Bossing Vic.

Gusto na ring magpakasal
Flower girl si Ryzza sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kasama rin ang huli sa cast ng “My Big Bossing.” Tinanong si Ryzza kung gusto na rin ba niyang magpakasal sina Vic at Pauleen Luna? “Gustung-gusto ko po. Pero nasa puso po nila ’yun at sila na po ang bahala,” sambit ni Ryzza.

Nang tanungin si Vic kung ikakasal na nga ba sila ni Pauleen next year, “I will have a big presscon for that,” he said in jest.

Nang si Pauleen naman ang tinanong kung gusto na ba rin niyang magpakasal? “Sana,” ang maikli niyang sagot. Mukhang waiting na talaga si Pauleen sa marriage proposal ni bossing Vic.

Kahit pala araw-araw silang magkatrabaho sa “Eat Bulaga,” may nadiskubre pa si Pauleen sa kanyang boyfriend noong nag-shoot sila ng “My Big Bossing.” “Mabait pala siya sa set. Akala ko, istrikto siya. Nakikipaglaro siya sa mga bata (Ryzza Mae Dizon and Alonzo Muhlach),” lahad ni Pauleen.

Hindi siya love interest ni Vic sa MBB. Kontrabida role si Pauleen at may prosthetics pa siya na two hours inilalagay. Three episodes ang MBB na tatlo rin ang direktor, sina Tony Reyes (“Sirena”), Marlon Rivera (“Taktak”) at Joyce Bernal (“Prinsesa”). Tatlo rin ang prodyuser, M-Zet TV Productions ni Vic Sotto, OctoArts Films ni Orly Ilacad at APT Entertainment (ni Antonio P. Tuviera).

Mall show
May mall show today at 10 a.m. sa Borromeo Brothers Elementary School sa Cansojong, Cebu ang mga batang “Yagit” na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla at ang Cabuanang si Steph Yamut.

At 3 p.m., nasa Southtown Centre Cebu naman sila kasama ang “Taste Buddies” host na si Solenn Heussaff, Barbie Forteza ng “The Half-Sisters” at Jeric Gonzales ng “Strawberry Lane.”

glaiza and paolo

Transgender
Gaganap bilang isang transgender si Paolo Contis sa episode ng “Magpakailanman” this Saturday. Pinamagatang “Ang Babaeng Ama: The Mark Marzo Story,” bahagi pa rin ito ng second anniversary presentation ng MPK. Tampok din si Glaiza de Castro at sa Japan pa sila nag-taping.

Tanggap ng pamilya niya ang kasarian ni Mark (Paolo). Nagpa-sex change siya sa Japan. Bago namatay ang kanyang ama ay hiniling nitong bigyan siya ng apo. Makahanap kaya siya ng babaeng magpapabuntis sa isang transgender na tulad niya? Tutok lang sa MPK after “Pepito Manaloto” sa GMA7.

comments