Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ai-Ai’s son Sancho signs up with ‘7’

Ai-Ai’s son Sancho signs up with ‘7’

CUTE ang marriage proposal ni direk Paul Soriano kay Toni Gonzaga sa isang commercial nila together. Hyper na hyper si Toni sa pagsagot ng “Yes!” sa kanyang boyfriend.

Kailan naman kaya magiging totohanan ang marriage proposal ni direk Paul kay Toni? Turning 31 (or 32?) na si Toni in January next year. Mangyari na kaya ’yun sa birthday niya?

Sa mga interbyu kay Toni, sinasabi niyang handa na siyang mag-asawa. Marriage proposal na lang mula sa kanyang boyfriend ang hinihintay niya.

Direk Paul, hanggang kailan ba maghihintay ang iyong girlfriend? Abang-abang na lang.

Ai Ai delas Alas and her eldest son Sancho

Kapuso na
Certified Kapuso na ang anak ni Ai-Ai de las Alas na si Sancho de las Alas. Pumirma siya kamakailan ng kontrata sa GMA Network kasama ang kanyang mama Ai-Ai na tumatayong manager niya. Mommy-ger nga ang tawag ni Ai- Ai sa kanyang sarili. Magkano kaya ang komi (as in komisyon) ni Ai-Ai?

Co-managed si Sancho ng GMA 7 at present sa contract-signing ang mga executives na sina Lilybeth Rasonable (GMA Senior Vice President for Entertainment), Gigi Santiago-Lara (GMA Senior VP for Alternative Productions) at Simoun Ferrer (GMA Artist Center Assistant VP & Head for Talent Imaging & Marketing Unit).

Proud mom si Ai-Ai at aniya, magaling mag-drums si Sancho, marunong kumanta at sumayaw. Graduate si Sancho ng Culinary Arts, pero dahil may dugong artista, gusto niyang subukan ang mundong ginagalawan ng kanyang mommy Ai-Ai. Handa na rin kaya siyang harapin ang mga ibabatong intriga sa kanya?

Curious lang kami, bakit hindi sa ABS-CBN ipinasok ni Ai-Ai ang kanyang anak para magkasama sila sa Kapamilya Network?

Not true
Nali-link sa mag-amang Singson sina Pops Fernandez at Jennylyn Mercado. Si Pops, kay Chavit Singson at si Jennylyn naman, sa anak nitong si Ronald.

Itinanggi na ito nina Pops at Jennylyn. Sa isang interbyu kay Pops, sinabi niyang walang namamagitang “something special” sa kanila ni Chavit. Magkaibigan lang sila. No more, no less.

Sabi naman ni Jennylyn sa isang interbyu, hindi niya personally kilala si Ronald. Nagulat nga siya sa tsikang diumano’y nakita silang magkasama sa Boracay.

Ani Jen, baka kamukha lang niya ang sinasabing girl na diumano’y nakitang kasama ni Ronald. Ayon pa sa aktres, that day na diumano’y nakita silang magkasama ni Ronald sa Boracay ay nasa Manila siya at busy sa taping ng “Second Chances,” bagong primetime series niyang mapapanood sa GMA7 sa January.

Nagsyu-shoot din siya ng “English Only, Please,” entry ng Quantum Films sa ongoing Metro Manila Film Festival. She’s dating someone, pero, ayon kay Jen, hindi si Ronald ’yun. So, there!

New house
Kung may bagong house si Jennylyn Mercado, may bago rin si Dennis Trillo na ipinagawa somewhere sa Antipolo. Doon sana magpa-Pasko ang Kapuso Primetime Drama King kasama ang kanyang pamilya.

Kaya lang, hindi natapos ang ipinapagawa niyang house in time sa Christmas season. Hopefully, sa February next year ay tapos na tapos na ang bagong bahay ni Dennis.

May MMFF entry si Dennis at kasama siya sa “Shake, Rattle & Roll XV.” Nasa “Ulam” episode siya with Carla Abellana.

comments