Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » No Vic-Pauleen wedding seen in 2015

No Vic-Pauleen wedding seen in 2015

HAPPY New Year to everybody! Nawa’y naging mapayapa ang pagsalubong n’yo sa 2015. Bagong taon, bagong pag-asa para sa ating lahat. Cheers!

Pauleen Luna

Di pakakasalan
Kahit alaga pa ni Lolit Solis si Pauleen Luna, consistent siya sa pagsasabing hindi pakakasalan ni Vic Sotto ang TV host-actress. May hula pa ang psychic na si Maricel Gaskell na wala siyang nakikitang may magaganap na kasalan ngayong 2015 kina Vic at Pauleen.

Mas nakikita raw ng psychic na magkaka-baby si Pauleen. Taliwas ito sa pahayag ng aktres sa presscon ng “My Big Bossing” na gusto niyang kasal muna, bago baby.”

’Yan ang dapat abangan ngayong 2015. Kung magbubuntis ba at magkaka-baby na sina Vic at Pauleen.

Magkaka-baby girl?
Hinulaan din ni Gaskell na magkakaroon ng bonggang lovelife si Kris Aquino. Meron na raw ito. Pero bakit tahimik yata ang presidential sister?

Kung sakaling meron ngang lovelife si Kris, hanggang kailan kaya naman niya maitatago ito?

Guest si Coco Martin at ang psychic na si Robert Daz sa “Gandang Gabi Vice.” Hinulaan nitong magkaka-baby girl si Kris Aquino kay Coco. Abang-abang na lang daw ngayong 2015 hanggang 2017.

Ito rin ang humula noong magkakaanak sina Kris at Coco. That was four years ago. Sablay ang hula.

Hula pa ng psychic, tatlo hanggang apat na pelikula ang gagawin ni Coco. Isa rito’y international movie na gagawin either sa US or Canada. Gagawa rin daw ng dalawang teleserye ngayong 2015 si Coco.

SHARON Cuneta

Magpupulitika rin?
Hinulaan din si Sharon Cuneta ni Maricel Gaskell na papalaot na rin ito sa pulitika sa 2016 elections. Kahit pa raw sinasabi ng megastar na ayaw niyang mag-pulitika, doon din daw ang kahahantungan niya.

May usap-usapan ngang diumano’y may mga humihikayat kay Sharon na kumandidato bilang mayor ng Pasay. Naging mayor doon nang mahigit dalawang dekada ang yumao niyang daddy na si Pablo Cuneta.

Sa isang panayam kay Senator Tito Sotto, sinabi niyang kung nahubog niya si Sharon sa showbiz, makakaya rin niyang hubugin si Sharon sa larangan ng pulitika. Pamangkin si Sharon ni Helen Gamboa na asawa ni Sen. Tito. Malaki ang paniniwala ng senador na magiging isang mahusay na public servant si Sharon.

Bait-baitan lang?
Naungusan na nga ba ni Liza Soberano si Julia Barretto? Kung dati’y mainit na pinag-uusapan si Julia, obserbasyon ng nakakarami ay waring nanlalamig na ang career ni Julia.

Samantalang si Liza naman ay waring on her way up to stardom since nabigyan siya ng magandang break sa “Forevermore.” Malaking bagay ’yun sa career ni Liza na ngayon ay marami ang tumututok sa kanyang teleserye.

Huwag lang sanang lalaki ang ulo ni Liza at huwag sana niyang gayahin si Vice Ganda na noong sumikat ay iniwan ang dati niyang manager na si Ogie Diaz na manager ngayon ni Liza.

Ayon kay Ogie, may kontrata sila ni Liza, kaya hindi nito magagawa na basta iwan na lang siya. Sa maraming beses nilang pagsasama, may mga insidenteng nasaksihan niya ang likas na kabaitan ni Liza. When told na sa ngayon, bait-baitan ang alaga niya, nginitian na lang kami ni Ogie.

comments