Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tatay at nanay na ang dating

Tatay at nanay na ang dating

German Moreno

INUSULAT namin ang kolum na ito (Sunday afternoon Jan.4), nasa Acute Stroke Care Unit (ASCU) pa ng St. Luke’s Hospital (E. Rodriguez, QC) si German Moreno at mahigpit na mino-monitor ang kanyang kalagayan, ayon sa balita. Na-mild stroke si Kuya Germs dahil sa overfatigue at stress, ayon pa rin sa lumabas na balita.

Naapektuhan ang kanyang kanang braso at kanang binti, pati ang kanyang pananalita at medyo na-distort ang kanyang mukha. Ayon pa sa balita, noong nagising si kuya Germs last Saturday morning (Jan.3) ay namamanhid ang kanyang mga kamay at hindi niya maigalaw. Tinawagan niya sa intercom ang isang kasama sa bahay at pinatawagan ang anak na si Federico na nakatira sa Capitol Hills, QC.

Agad-agad namang nagtungo si Federico sa bahay ng kanyang papa Germs sa Valencia, Gilmore Avenue, QC at isinugod sa hospital. Sana lang, paglabas ng kolum na ito’y nasa mabuting kalagayan na si Kuya Germs.

manilyn reynes

Nagtatabaan

Nagtatabaan sina Janno Gibbs, Manilyn Reynes at Keempee de Leon sa production number nila sa SAS (“Sunday All Stars”). Mga tatay at nanay na talaga ang kanilang dating. Dalaga (in their 20s) na ang dalawang anak ni Janno kay Bing Loyzaga. Eighteen years old na ang panganay nina Manilyn at Aljon Jimenez. Sumunod ay 12 at 3 years old. Keempee has an 18-year-old daughter sa isang non-showbiz ex-girlfriend.

Keempee De Leon

After Janno na nakatrabaho ni Manilyn sa “My BFF,” si Keempee naman ang kasama niya sa bagong primetime series ng GMA7, ang “Once Upon a Kiss” na nagsimula na kagabi pagkatapos ng “More Than Words.” Mabibitin nga lang ang supporters nina Manilyn at Keempee dahil one week lang mapapanood si Keempee. Mamamatay ang karakter niya.

Sayang at hindi hinabaan ang exposure ni Keempee sa OUAK. Balik-tambalan pa naman nila ito ni Manilyn. Sa mga hindi nakakaalam, four months silang naging BF-GF in real life.

GMA’s young love teams

Sana i-push din ng GMA ang love team nina Kiko Estrada at Kim Rodriguez, gaya ng ginagawa sa love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na mga bida sa “Once Upon a Kiss.”

Kinakitaan ng chemistry sina Kiko at Kim sa katatapos na “Strawberry Lane.” They look good together at mukhang promising din ang kanilang love team. May kilig factor. Magkahawig pa sila. Sana, may follow-up project ang Kapuso Network for Kiko and Kim.

What about Ruru Madrid and Gabbi Garcia? Nagtatanong ang kanilang fans kung ano raw ba ang bago nilang show together pagkatapos ng “My Destiny”? ’Heard, may “nilulutong” project for them. Abang-abang na lang.

Inaabangan na ng Jabea fans nina Jake Vargas at Bea Binene ang pelikula nilang “Liwanag sa Dilim.” Sina Kristoffer Martin at Joyce Ching ay reunited naman sa “Healing Hearts” na malapit nang mapanood sa Afternoon Prime series ng GMA.

Si Barbie Forteza nama’y dapat ihanap ng ka-love team. Sobrang tangkad sa kanya nina Andrei Paras at Derrick Monasterio na mga kasama niya sa “The Half-Sisters.”

comments