Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » All’s well between Sharon & Star brass

All’s well between Sharon & Star brass

FALSE alarm ang balitang buntis si Regine Velasquez-Alcasid sa second baby nila ni Ogie Alcasid. Joke lang pala ni Ogie ang ipinost niya sa kanyang Facebook account na pregnant ang wife niya.

Gusto na talaga ni Regine mabuntis at mabigyan ng kapatid ang panganay nilang si Nate. Ani Regine, kung mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataong maging ina, ipagpapasalamat niya sa Diyos. Kung hindi naman siya mabiyayaan, okey na rin na may isang Nate na nagpapasaya at inspirasyon nila ni Ogie.

Isa pang gustong mabuntis ay si Judy Ann Santos-Agoncillo. Gusto na rin niyang sundan si Lucho. Ang pagkakaroon ng bagong baby ang priority “project” nila ni Ryan Aconcillo ngayong 2015.

Kung nagkaroon ng maraming marriage proposals at weddings sa mga celebrity noong 2014, magkaroon naman kaya ng baby boom this year? Inaabangan ang panganganak nina Cristine Reyes, Melissa Ricks at Dimples Romana. Inaabangan din ang pagbubuntis nina Marian Rivera, Bianca Gonzalez, Karylle at Iya Villania na last year ikinasal.

Ikakasal naman si Heart Evangelista on Feb. 15 na gusto na ring mabuntis agad. Gayun din si Isabel Oli. Sa May ang garden wedding nila ni John Prats sa farm ng mga Prats sa Batangas.

SHARON Cuneta

Balik-ABS-CBN?

Tahimik lang nag-celebrate ng kanyang 49th birthday si Sharon Cuneta last Jan. 6. Lungkut-lungkutan pa rin ang megastar sa pagpanaw ng kanyang mommy Elaine.

Wish ng mga taong nagmamahal kay Sharon na sana’y bumalik na ang dati niyang sigla para makapagsimula na siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay ngayong wala na ang pinakamamahal niyang mommy.

Marami pa ang nagmamahal at handang sumuporta sa kanya. Una na ang kanyang pamilya (husband Senator Kiko Pangilinan and their kids, Frankie, Miel, and Miguel) and of course, her eldest daughter KC Concepcion, relatives, friends and fans. Nasasabik na ang mga Sharonians sa pagbabalik-showbiz ng megastar.

How true kayang magbabalik-ABS-CBN si Sharon?

Ayon sa tsikang nasagap namin, diumano’y nagkausap na ang megastar at ang mga nakatampuhan niyang executives ng Kapamilya Network noong nagdesisyon siyang lumipat sa TV5. All’s well na raw ngayon kina Sharon at sa mga naturang executives. Nagpapapayat lang daw ang megastar bago siya muling haharap sa kamera.

Natapos na ang kontrata ni Sharon sa TV5 at isang malaking utang na loob ang tinatanaw pa rin niya sa Kapatid Network sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makapagtrabaho roon.

Dennis Trillo

No lovelife

Mapanindigan kaya ni Dennis Trillo na wala muna siyang lovelife ngayong 2015? Anang Kapuso Primetime Drama King, focused muna siya sa kanyang career.

Marami raw siyang magagandang projects na gagawin this year. Ayaw niya ng distraction. Huling girlfriend ni Dennis ay si Bianca King na happy ngayon sa bagong non-showbiz boyfriend.

comments