Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ricky-Jackielou split confirmed

Ricky-Jackielou split confirmed

RICKY Davao

FINALLY, inamin na rin ni Ricky Davao na hiwalay na sila ni Jackielou Blanco. Open secret naman ‘yun sa showbiz. For the longest time, walang kumpirmasyon mula sa ex-couple.

Matagal na naming gustong tanungin si Ricky tungkol sa hiwalayan nila ni Jackielou sa maraming beses naming paguusap kapag dumadalaw kami sa taping ng mga pinamamahalaan niyang programa sa GMA7. Hiya-hiyaan lang kami.

Sa presscon ng “Second Chances,” inamin ng actor-director na hiwalay na nga sila ni Jackielou. Tinanong kasi si Ricky ng colleague naming si Chit Ramos kung ano’ng cellphone number ni Jackielou at ani Ricky, wala siyang number ni Jackielou.

JACKIE Lou Blanco

“Bakit? Hiwalay na ba talaga kayo?” painosenteng tanong (kuno) ni Chit.

“Matagal na,” sagot ni Ricky. ‘Yun na! Confirmed! Kung ano’ng dahilan, hindi na kami nagtanong. Pero anang actor-director, friends pa rin sila ni Jackielou. Two blocks away lang from his house sa isang scout area, QC ang bahay na tinitirahan ni Jackielou kasama ang mga anak nilang sina Kenneth, Rickki Mae at Arabella.

Proud daddy

Malayang nakakadalaw si Ricky sa mga anak nila ni Jackielou, o di kaya naman, ang mga ito ang nagpupunta sa bahay niya.

Super proud dad si Ricky sa anak niyang si Rikki Mae na graduate ng AB Psychology sa De La Salle University. Nanghinayang lang siyang, aniya, kinulang lang ng ilang puntos para maging cum laude ang anak niya.

Fourth year high school student naman sa Poveda School si Arabella. Ang panganay na si Kenneth (25 years old) ay may two-year-old son named Ethan sa isang non-showbiz girl. Hiwalay na sila, ayon kay Ricky.

In any case, balik-acting si Davao sa “Second Chances.” Huling directorial job niya sa Kapuso Network ang “Dading.” Nakapagdirek din siya ng ilang episodes ng “Hiram na Alaala” noong nag-abroad ang direktor nitong si Dominic Zapata. Dumalaw pa sa taping ang mga anak nila ni Jackielou dahil may mga eksena itong dinirek niya, ayon kay Ricky.

Alin ang mas gusto niya, acting or directing?

“Love ko ang acting. Challenging at fulfilling naman ang directing. Thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng pagkakataong maging aktor at direktor,” sambit ni Ricky.

“Second Chances” stars Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Camille Prats and Rafael Rosell with Luis Alandy, Roi Vinzon, Diva Montelaba, Chynna Ortaleza, Jackie Rice, among others. Directed by Laurice Guillen. “Second Chances” premieres on Jan. 12 after “Once Upon a Kiss” sa GMA Telebabad.

Miguel Tanfelix at Bianca Umali

Next important GMA stars

VERY promising ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Dumarami na ang kanilang followers at kung mapu-push nang husto ang kanilang tambalan, chances are, magiging next important stars sila ng GMA-7.

Ang lakas ng screen chemistry nila at kilig-kiligan ang mga tagasubaybay ng serye nilang “Once Upon a Kiss.” Maraming bagets ang nakaka-relate sa karakter nila bilang Prince at Ella. Ang sipag ding mag-promote nina Miguel at Bianca.

‘Kaaliw ang guesting nila sa “The Ryzza Mae Show.” This Saturday (Jan. 10), nasa “Eat Bulaga” naman sina Miguel at Bianca. On Jan. 13, nasa Aklan sila para sa Ati-Atihan Festival kasama si Betong Sumaya.

comments