Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ricky compares Jen to Vi: ‘Mukhang laging bagong ligo’

Ricky compares Jen to Vi: ‘Mukhang laging bagong ligo’

Jennylyn Mercado

IKINUMPARA ni Ricky Davao kay Governor Vilma Santos-Recto si Jennylyn Mercado. Anang actor-director, katulad ni Gov. Vi ay mukha ring parating bagong paligo si Jennylyn.

“Mukha siyang parating fresh from the bathroom. Ang bango-bango. Gano’n si Vi noong kabataan niya hanggang ngayon ang tingin ko,” saad ni Ricky nang nakausap namin sa presscon ng “Second Chances.”

Nagsimula na ito kagabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Once Upon a Kiss.”

All praises din si Davao kay Jen dahil very professional ito at maagang dumarating sa set ng “Second Chances.”

Ayon pa kay Ricky, sobrang lakas ng appeal ni Jen kahit may anak na ito. Hot mama raw ang Kapuso actress prompting us to ask him na baka naman pinagnanasaan niya si Jen.

“Wala! Ano ba? (laughs),” sambit ng actor-director.

May special participation si Ricky sa “Second Chances” na si Laurice Guillen ang direktor. Ano’ng feeling na kapuwa direktor niya ang nagdidirek sa kanya ngayon?

“Wala lang. Noong artista pa lang ako, panay ang tanong ko sa mga nagiging direktor ko. Nagsa-suggest ako ng mga idea ko. Ngayong direktor na ako, nahihiya na ako. Respeto na lang at sumusunod na lang ako sa instructions,” wika ni Ricky.

Willie Revillame

Done deal na nga ba?

Wala pang kumpirmasyon, pero almost done deal na nga ba ang pagbabalik-TV ni Willie Revillame? Balitang diumano’y magkakaroon ng once a week show si Willie sa GMA7. Diumano pa ri’y, magiging pre-programming ito ng SAS (“Sunday All Stars”) at itatapat daw ito sa ASAP ng ABS-CBN.

Wala namang kaso sa masusugid na fans and supporters ni Willie kahit once a week lang ang kanyang game show. Ang mahalaga’y muli nilang mapapanood sa boob tube ang kanilang idolo. Sana nga’y may katotohanan ang balitang malapit nang bumulaga sa telebisyon ang nag-iisang Willie Revillame. Abang-abang na lang.

Kilig much

Nagsisimula na ang kilig moments nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa “Once Upon a Kiss.” Sa episode mamaya, pagtutulungan nina Ella (Bianca) at Prince (Miguel) ang mga lasing na humahabol kay Ella.

Naiinis naman ang televiewers kay Mylene Dizon (Giselle) sa pang-aapi niya kay Manilyn Reynes (Aurora). Pero palaban ang huli nang tangkain niyang itapon ang mga paninda nito. Sa kasamaang palad, natapunan ng mantika si Aurora.

Tutok lang mamaya sa mga kaganapan sa OUAK pagkatapos ng “More Than Words” sa GMA Telebabad.

Samantala, busy-bisihan muli si Yasmien Kurdi sa taping ng “Yagit” pagkatapos ng kanilang Christmas vacation sa Dubai with her Lebanese dad. Fully-recharged siya sa pagbalik nila sa Pilipinas, kaya may panlaban siya sa puyat-puyatan nilang taping.

Na-miss daw niya ang pakikipagtrabaho sa mga batang yagit. Makukulit, pero masayang kasama ang mga bagets.

comments