Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julia Montes goes daring, denies she is pregnant

Julia Montes goes daring, denies she is pregnant

Gerald, Julia and JC

FIRST time nagkatrabaho sina Gerald Anderson, JC de Vera at Julia Montes sa “Halik sa Hangin” ng Star Cinema. Ayon kay JC, bagaman nag-workshop sila bago simulan ang shooting ng kanilang movie ay nahiya pa rin siya kay Julia noong mga unang araw ng kanilang pagtatrabaho.

“Nag-adjust pa rin ako. Nagkapaan kami kung paano ba kami magtatrabaho,” ani JC sa presscon.

Nailang siya, tinantiya kung paano niya aalagaan si Julia, ayon naman kay Gerald. Nakita niya raw kasi ’yung passion ng aktres sa craft nito.

“Sobrang galing ni Julia. Ibang level ang acting niya,” bulalas ni Gerald.

Hiya-hiyaan naman si Julia sa mga papuri ng dalawang leading men niya sa HSH. “Feeling ko birthday ko at may tribute sa akin (laughs),” she said.

Pinuri rin siya ni Ina Raymundo na gumaganap bilang mother niya sa HSH. “Pinahanga ako ni Julia. Napakagaling niya. Super perfect. Sana huwag siyang magbago,” wika ni Ina.

Si Julia nga raw ang next Bea Alonzo ng Kapamilya Network. Flattered si Julia at nagpasalamat siya na aniya’y super blessed siya at ita-try niya ang kanyang best na lalo pang paghusayin ang kanyang acting.

Daring na rin

First daring role ever ni Julia sa “Halik sa Hangin” kung saan may steamy hot love scene siya with Gerald. Sobrang kinabahan siya, ani Julia. One day kinunan ang love scene nila na sobrang intense. Inalalayan naman daw siya ni Gerald at ng direktor nilang si Manny Palo.

Pinuri rin ni Julia si Gerald. Aniya, passionate ito sa trabaho. “Sobrang galing niyang umarte. Hindi siya nagrereklamo kahit nahihirapan siyang mag-interact sa mga eksena,” sambit ni Julia.

“Si JC, kahit pareho kami ng handler, sobrang nahihiya kami sa isa’t isa noong una. Super hardworking siya. Hindi siya nagrereklamo kahit puyat o pagod,” saad ni Julia.

False alarm

Itinanggi naman ni Julia ang tsikang buntis siya. Na diumano’y nag-abroad siya para itago ang pagbubuntis niya. Diumano pa rin, isang aktor ang hinihinalang nakabuntis sa kanya. “Paano ako mabubuntis? Wala naman akong boyfriend,” wika ni Julia.

Aniya pa, hindi siya umalis ng bansa. Nasa Baguio siya dahil doon sila nag-shoot ng mga eksena nila sa “Halik sa Hangin.”

Nawalan siya ng oras para mag-post sa Instagram account niya ng update sa kanya, kaya inakalang buntis siya. Ayon kay Julia, nag-super bonding lang sila ng kapatid niya. Pag wala siyang work, sinusundo niya ito sa school. O, di kaya’y lumalabas sila.

Ayon kay Enrico Santos, executive producer at scriptwriter ng “Halik sa Hangin,” imposibleng mabuntis si Julia dahil sa mga eksena nito’y naglambitin, nangabayo, tumalon sa bubong, nabuhusan ng arina sa love scene nila ni Gerald.

Nilinaw rin ni Enrico na hindi horror movie ang HSH, kundi isang kakaibang love story. Showing ito on Jan. 28 sa mga sinehan.

Hot mamas

Hot mamas sina Vina Morales at Denise Laurel na magkasama sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.” Nagsimula na ito kahapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

May tig-isang anak na sila, pero name-maintain pa rin nila ang pormang katawan ng dalaga.

“Kailangan eh!” ani Vina sa isang interbyu. Nadadagdagan daw kasi ng pounds kapag pinapanood sa TV ang mga artista.

Si Susan Roces ang nagbida sa movie version ng NKNKK na napunta kay Vina sa TV version nito. Ani Vina, may pressure at big challenge ’yun sa kanya.

NKNKK also stars Jane Oineza, Loisa Andalio with Jerome Ponce, Joshua Garcia, Christian Vasquez, Aleck Bovick, Aaron Villaflor and Sue Ramirez. Directed by Jeffrey Jeturian and Mervyn Brondial.

comments