Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chiz and Heart may wedding gift sa isa’t isa

Chiz and Heart may wedding gift sa isa’t isa

Heart Evangelista and Chiz Escudero (Photo from her Instagram account)

ILANG araw na lang at ikakasal na si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero. Magiging official Mrs. Escudero na siya on Feb. 15. Pero wala pa ring katiyakan kung dadalo ang kanyang parents. Ang mga kapatid ni Heart ay makikisaya at magiging saksi sa pakikipag-isang dibdib niya kay Senator Chiz na gaganapin sa Balesin Island, Quezon.

May wedding gifts sa isa’t isa sina Sen. Chiz at Heart na anang huli’y something na gusto niyang makitang suot araw-araw ng kanyang husband-to-be. Dalawa ang gifts niya, isa for Valentine at isa for their wedding. Bongga talaga si Heart.

Customized ’yun na six months ago pa niya ipinagawa sa ibang bansa. Something na magagamit din ni Heart ang regalo naman ni Sen. Chiz sa kanyang wife-to-be. Dalawa rin kaya ang regalo ng senador? Dapat nga’y tatlo dahil birthday ni Heart on Feb.14. O, baka, three-in-one na lang?

GARY Valenciano

Healthy competition
Hindi naniniwala si Gary Valenciano sa pahayag diumano ni Martin Nievera sa isang panayam na sinabi nito na pati raw pagkanta sa burol at libing ng patay ay ginagawa na niya. Para sa iba, senyales daw ’yun na palaos na ang isang singer.

Natawa si Gary nang iparating ito sa kanya ng isang reporter. Ani Gary, nagdyo-joke lang si Martin kung sinabi nito ’yun. Although wala naman daw masama sa pagiging funeral singer.

Wala pa naman kaming nabalitaang kumanta si Martin sa burol o libing ng isang patay, unless ginawa niya ’yun sa ibang bansa.

Ayon kay Gary, nakakanta na rin siya noon sa burol ng isang patay. Bahagi ’yun ng necrological service at wala siyang talent fee.

In any case, sabi ni Gary, Martin brings out the best in him.

Healthy competition sila kahit noong kabataan pa nila hanggang ngayong pareho na silang mature. “We are sensitive to each other’s needs,” ani Mr. Pure Energy.

Concert King naman ang titulo ni Martin. Magkasama ang dalawa sa “Ultimate” concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena on Feb. 13 & 14.

Kasama rin sina Regine Velasquez at Lani Misalucha na si Rowell Santiago ang director.

June bride
Wala pang exact wedding date sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano, pero ayon sa tsikang nakarating sa amin, June bride this year si Toni at diumano, sa simbahan sa Tatay, Rizal ang kanilang kasal. Tagaroon kasi ang pamilya ni Toni.

Balitang engaged na rin si Nikki Gil sa non-showbiz boyfriend niyang si BJ Albert na isang businessman at Atenista ring tulad ni Nikki. Did we hear it right na ang ex-boyfriend ni Nikki na si Billy Crawford ay nagbabalak na ring pakasalan ang girlfriend nitong si Coleen Garcia?

Engaged na rin sina Solenn Heussaff and her Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico. What about Anne Curtis and Erwan Heussaff? Iza Calzado and Ben Wintle? Luis Manzano and Angel Locsin? John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban? Gerald Anderson and Maja Salvador? Zanjoe Marudo and Bea Alonzo?

At least, hindi na kukulit-kulitin ng press si Toni kung kailan sila magpapakasal ni direk Paul. Next month, ikakasal naman si Patrick Garcia sa non-showbiz fiancee niyang si Nikka Martinez, si Gab Valenciano kay Tricia Centenera.

Sa May naman ang garden wedding nina John Prats at Isabel Oli sa farm sa Batangas na pag-aari ng pamilya Prats. May ikakasal kaya sa April? Abang-abang na lang at baka may mag-announce.

comments