Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angelica feeling rich pag nalalasing

Angelica feeling rich pag nalalasing

ANGELICA Panganiban

‘KAALIW ang revelations ni Angelica Panganiban noong nag-guest siya sa “Gandang Gabi Vice” kasama si John Prats. Ikinuwento ng aktres na minsang nagpunta sila sa Boracay kasama ang ilang kaibigan nila’y nalasing siya. Feeling rich at ganda-gandahan siyang rumampa na naka-dress na iwinawagayway niya. Sinabi raw niyang “I’ll buy this island.”

O, di ba mala-Anne Curtis si Angelica? Matatandaang minsang nalasing si Anne sa isang bar ay naging controversial ang sinabi niyang “I’ll buy you!” Pareho pala sila ni Angelica na kapag nalalasing ay gustong bumili.

Ibinuking pa ni Angelica na minsan naman ay sabay silang umihi ni John. Magkatalikuran sila. Wala silang naramdamang malisya sa isa’t isa dahil long-time friends sila at hindi nila type ang isa’t isa.

Unang naging kaibigan ni Angelica si Camille Prats, younger sister ni John. Mga bata pa sila noon at madalas si Angelica sa bahay ng mga Prats, kaya naging friends na rin sila ni John.

Na-weirduhan
Ayon pa kay Angelica, noong nag-break sina Shaina Magdayao at John Prats ay sinabihan niya itong kalimutan na lang si Shaina at mag-move on na. Noong naging boyfriend ni Shaina si John Lloyd Cruz ay binash niya (Angelica) ang dalawa. Hindi naman daw bagay ang mga ito at maghihiwalay rin. Nagkampihan sila ni John.

Sabi pa ni Angelica, noong naging “sila” naman ni John Lloyd ay hindi ’yun nagustuhan ni John. Ayaw nito kay JLC.

Ani Prats, na-weirduhan kasi siya. Hindi niya matanggap ang sitwasyon. Ex-girlfriend ni JLC si Shaina na ex-GF niya (John). Tapos, naging sina Angelica at JLC na anang aktres, feeling niya’y siya ang dahilan ng break-up nina JLC at Shaina. “Ako ang nagwagi (laughs),” sey ni Angelica. Ang tanong, she’s the one na kaya for JLC?

julian trono

Tunog K-pop na
Parating this week si Julian Trono mula sa Korea. Ininterbyu siya sa “Korea Today” ng Arirang channel.

Aniya, very strict ang training ng K-pop (Korean Pop) System. Marami raw pagkakaiba sa dance steps sa Pilipinas at sa Korea. More practical daw ang sa Korea, ani Julian.

Ibinalita ng host na ang single ni Julian, “Wiki Me,” na tunog K-pop ay magkakaroon ng world-wide distribution. Sa interbyu kay Julian, ipinakita ang clips na nagsasayaw siya at may flash mob pa kasama ang Korean fans.

Nag-guest din si Julian sa “Show Champion” ng MBC para i-promote ang kanyang single.

comments