Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coco espesyal ang pagtatangi kay Julia

Coco espesyal ang pagtatangi kay Julia

Coco Martin

NO show rin ang parents ni Heart Evangelista sa Manila wedding reception nila ni Senator Chiz Escudero sa Blue Leaf Filipinas. Sa panayam kay Heart ng ilang entertainment writers, sinabi niyang hindi naman niya inasahang dadalo ang parents niya.

Nagkausap naman daw sila ng kanyang daddy three days after ng kasal nila ni Sen. Chiz, kaya okey na ’yun. Sa post ni Heart sa kanyang Instagram account, hindi pa rin daw siya makapaniwalang Mrs. Escudero na siya.

Siyanga pala, ang white elegant gown na suot ni Heart sa Manila wedding reception ay si Monique Lhuillier ang designer.

Big challenge sa mag-asawang Chiz at Heart ang sinabi ng kanyang daddy na kapag napatunayan nilang pareho silang maligaya sa kanilang pagmamahalan ay kakatok ito sa kanilang pintuan.

Sabi naman ni Sen. Chiz, wala siyang kailangang patunayan dahil makikita at mararamdaman ’yun ng kanyang brand-new wife. Postponed daw ang kanilang honeymoon at baka sa Japan sila magpunta next month.

Pareho silang back to work ni Heart matapos ang engrandeng wedding nila.

Walang alam
Nagmamaang-maangan nga lang kaya o parehong walang alam sina Jaclyn Jose at Laarni Enriquez sa isyung diumano’y nagkabalikan na ang mga anak nilang sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito?

Noong nakausap namin si Jaclyn sa taping ng “More Than Words,” nagulat pa siya nang sabihin ng isang kasama naming reporter na nagkabalikan na sina Andi at Jake. Magkasama pa nga ang dalawa sa Singapore.

“Ha? Totoo ba ’yun? Wala akong alam,” sabi ni Jaclyn.

Pero kung totoo raw, okey lang sa kanya dahil aniya, boto siya kay Jake.

No comment naman si Laarni Enriquez. Aniya sa isang panayam, wala siyang alam sa balikan issue nina Andi at Jake.

“Bahala na sila,” sambit ni Laarni.

Kung boto si Jaclyn kay Jake, ayaw naman ni Laarni kay Andi kahit pa magkaibigan sila ni Jaclyn at childhood friends naman ang mga anak nila.

Nakiusap naman si Jaclyn na huwag nang idamay ang apo niyang si Ellie sa isyung kung sino ba talaga ang tunay na ama nito. “Kawawa naman ang bata,” aniya.

Oo nga naman!

Personal request
Sa latest interview kay Coco Martin, halatang may espesyal na pagtatangi siya kay Julia Montes. Ayaw pa lang niyang diretsang aminin. Matagal na silang nali-link sa isa’t isa simula noong nagkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Marami ang nakakapansin sa kakaiba nilang closeness. But then, ang press release nila, friends lang sila.

Sa isang fantasy-drama-anthology ng ABS-CBN, ni-request ni Coco na si Julia ang gusto niyang maging leading lady. Bagay raw kasi kay Julia ang role. Besides, na-miss niya raw ang pakikipagtrabaho kay Julia. ’Yun na!

And take note, nag-effort pa si Coco manood ng premiere night ng “Halik sa Hangin” na pinagbidahan ni Julia. Ang tsika pa, gusto ring gumawa ni Coco ng pelikula with Julia. May concept na raw ang Kapamilya actor.

Wyn Marquez

Mag-win kaya?
Confident si Melanie Marquez na magwi-win ang pamangkin niyang si Winwyn Marquez (Teresita Sen Marquez) sa Binibining Pilipinas Beauty Pageant. Kabilang si Winwyn sa 34 official candidates na iprinisinta sa press kamakailan lang.

Pinaghandaan talaga ni Winwyn ang pag-join sa naturang beauty contest. Nag-training siya sa Mercator Talents Agency ni Jonas Gaffud na siya ring nagma-manage ng career ni Winwyn.

Kahit hindi sabihin, for sure, may pressure kay Winwyn ang pag-join niya sa Bb. Pilipinas dahil former beauty queen ang kanyang Tita Melanie. Naging Miss International ito.

comments