Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheryl, Donna, Geneva nasa likod ni Shine sa laban vs Cesar

Sheryl, Donna, Geneva nasa likod ni Shine sa laban vs Cesar

SHERYL Cruz

SUPORTADO ng mga pinsan niyang sina Donna, Geneva at Sheryl Cruz si Sunshine Cruz sa laban niya sa estranged husband na si Cesar Montano. Sa isang panayam kay Sheryl, aniya, malaki ang tiwala niya sa maayos na pag-aalaga at pagpapalaki ni Sunshine sa tatlong anak na babae nila ni Cesar.

Hindi naman daw siguro ipagkakatiwala ng korte ang custody ng mga bata kay Sunshine kung hindi ito nararapat bilang isang ina. Ayon pa kay Sheryl, bagaman bihira silang magkita ni Sunshine, may constant communication sila. Nagte-text o nagtatawagan sila sa isa’t isa.

Hiwalay rin sa asawa si Sheryl at may 13-year-old daughter siya named Ashley Nicole sa ex-husband niyang si Norman Bustos. Based ito sa USA, pero may constant communication ang mag-ama, ayon kay Sheryl. Naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Norman at ayon kay Sheryl, happy siya being a single parent.

Migs Cuaderno

Awardee
Ani ng Dangal awardee ang Kapuso child star na si Miggs Cuaderno. Pinarangalan siya sa kanyang outstanding portrayal sa pelikulang “Quick Change” kung saan gumanap siya bilang pamangkin ni Dorina (Mimi Juareza). Ang parangal ay mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) under the Office of the President of the Republic of the Philippines.

Nanalong best actor si Miggs sa 20th Cheries Paris Gay and Lesbian Film Festival sa France last year para sa naturang movie. “Quick Change” is written and directed by Eduardo W. Roy, Jr. Tungkol ito sa buhay ni Dorina na isang middle-aged transsexual looking for his niche amidst the complexities of the world he is in. Umiikot ang istorya sa pagdurusa, pagtanggap at pag-asa.

Third time
Muling magkakasama sa ikatlong pagkakataon si Kuh Ledesma at ang Music and Magic sa isang concert na gaganapin sa Solaire Resort & Casino Grand Ballroom on March 7 at 8 p.m. Billed “The Music of the Heart, The Magic of Love,” tampok ang original members ng Music and Magic na sina Jet Montelibano, Fe delos Reyes, Eva Caparas, Toto Gentica, Hector Pedro, Butch Elizalde at Nonoy Mendoza. Kasama rin ang second generation members na sina Bobby Taylo, Vicky Sevilla-Pangilinan at Jeanette Casuga-Trevias.

Unang nag-concert ang Music and Magic noong October last year na sinundan ng Valentine show nila on Feb. 14 this year sa Music Museum.

comments