Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Coco Martin nagpipigil ng feelings kay Julia

Coco Martin nagpipigil ng feelings kay Julia

coco n julia

MUKHANG nagpipigil lang si Coco Martin sa totoong nararamdaman niya kay Julia Montes, maybe because bata pa ito. She’s turning 20 on March 19 at 33 years old naman si Coco.

Inamin ng Kapamilya actor sa presscon ng “Wansapanataym: Yamishita’s Treasures” nakailangang ma-in love siya sa kanyang leading lady para makatodo siya ng akting.

“Para maramdaman ko talaga na in love ako,” he said.

Aniya pa, nakita niya ang pag-bloom ni Julia, ang pagdadalaga nito. “Noon, chubby siya, matambok ang mga pisngi. Iba na ang dating niya ngayon. Paganda nang paganda.

Ipinaparamdam ko na hindi pa siya pwedeng magpaligaw. Bata pa, eh! Marami pang time sa lovelife,” lahad ni Coco.

Hindi kaya ayaw niyang paligawan pa si Julia dahil siya ang manliligaw? Ngiti lang ang isinagot ni Coco.

Nararamdaman ba naman ni Julia ang pagpaparamdam ni Coco?

“Parang father figure ko siya. Imbes na ang daddy ko ang idol ko, si Coco. Tutok siya sa akin sa pagbibigay ng advice. He guides me. Pagkasama mo si Coco, maalaga siya. Mararamdaman mong babae ka talaga,” words to that effect na pahayag ni Julia.

Mapapanood sina Coco at Julia sa special magical summer series ng “Wansapanataym: Yamishita’s Treasures” na magsisimula sa March 22. Hatid ng Dreamscape Entertainment Television, tampok din sina Alonzo Muhlach, Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Ryan Bang, Aaron Villaflor, Noni Buencamino, atbp. Directed by Avel Sunpongco.

zoren and carmina

Kinikilig pa rin
Kilig-kiligan pa rin si Carmina Villaroel kay Zoren Legaspi kahit matagal na silang nagsasama bilang mag-asawa at fourteen years old na ang kambal nilang anak na sina Maverick at Cassandra. Anang aktres, guwapung-guwapo pa rin siya sa kanyang mister, kinikilig at nae-excite pa rin.

Tulad ni Zoren, ayaw na rin ni Carmina na masundan ang kambal nila. Pwede pa naman daw siya mabuntis, anang aktres. Pero masaya na sila sa kanilang kambal, kaya tama na ang dalawang anak. Mas natututukan nila ang paglaki ng mga ito.

Hindi pala ipinaalam ni Carmina kay Zoren na may daring scenes siya sa “Bridges of Love.” Alam naman daw niyang maiintindihan ’yun ng kanyang husband dahil artista rin ito. Hindi ‘yun isyu sa kanilang mag-asawa.

Ani Carmina, nailing siya sa kissing scene nila ni Paulo Avelino sa “Bridges of Love.” “Hindi naman kasi kami ganu’ng ka-close. Pero mabait, gentleman at magalang si Paulo. Ate ang tawag niya sa akin. Panay ang “po” at “opo” niya sa akin,” ani Carmina nang nakatsikahan namin sa get together cum thanksgiving lunch nila nina Zoren at Eric Quizon sa showbiz press.

comments