Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco, Lovi to celebrate first anniversary in Palawan

Rocco, Lovi to celebrate first anniversary in Palawan

HOW’S life kaya ngayon for Albert Martinez without his wife Liezl? Mag-asawa pa kaya siyang muli?

Masamang-masama ang loob ng mother-in-law niyang si Amalia Fuentes dahil sa pagbale-wala sa kanya noong cremation ceremony ni Liezl. Ani Amalia, hindi man lamang binanggit ang pangalan nila ni Romeo Vasquez bilang mga magulang ni Liezl. Bakit nga kaya? Sinadya kaya o nakalimutan ng host?

Ayon pa kay Amalia, hindi ipinaalam sa kanya kung saan ang cremation ng kanyang anak na parang itinago pa sa kanya. Aniya pa, kahit never siyang naging bahagi ng pamilya nina Albert at Liezl, hindi niya kailanman mapapalitan ang kanyang anak. Si Albert daw, pwedeng mag-asawang muli at pwedeng mapalitan si Liezl.

Ngayong wala na si Liezl, mukhang malabo na talagang magkaayos ang kanyang mommy at si Albert. Common knowledge na tutol si Amalia sa relasyon noon nina Albert at Liezl kahit naging mag-asawa sila at nagkaroon ng tatlong anak. Hanggang sa huling sandali ni Liezl at matapos ang kanyang cremation, may sama pa rin ng loob si Amalia.

Winwyn Marquez

Feeling winner pa rin
Nag-lost man si WinWyn Marquez sa katatapos na Bb. Pilipinas 2015 coronation night, feeling winner pa rin daw siya. Buhos ang suporta sa kanya ng netizens at Kapuso stars. Nagpunta pa sa Araneta Coliseum sina Mark Herras, Enzo Pineda, Aicelle Santos, Frencheska Farr, Maricris Garcia, Mayton Eugenio, Rodjun Cruz, Kris Lawrence at Rocco Nacino.

Post ni WinWyn sa kanyang social media account: “Binigay ko lahat ng makakaya ko… I did not want to let my family down pero ganun talaga at least napatunayan ko sa sarili ko at sa lahat na kaya ko. Sobrang worth it lahat ng pagod at sacrifices na ginawa ko. Sa lahat ng sinasabi ninyo sa akin ngayon, feeling ko winner pa rin ako.”

Oo naman! Para sa nakararaming supporters ni WinWyn, panalo pa rin siya.

rocco and lovi

Memorable
Memorable kina Rocco Nacino at Lovi Poe ang Palawan, kaya doon nila balak mag-celebrate ng kanilang first anniversary as sweethearts.

Ayon kay Rocco, una silang nagkatrabaho ni Lovi sa “Mistaken Identity” at sa Palawan sila nag-taping. Isang journalist ang role ni Lovi na nagpunta sa isla at nakilala si Sinag na ginampanan ni Rocco.

“Naalala ko, hindi kami nag-uusap ni Lovi noong papunta kami sa location at kahit pagbalik namin sa Manila,” nakangiting sambit ng Kapuso actor.

Birthday ni Rocco on March 21 at aniya, panay ang kulit sa kanya ni Lovi kung ano’ng gusto niyang regalo. “Kahit ano o kahit wala, basta kasama ko lang siya (laughs),” ani Rocco.

Any marriage plans? Wala pa aniya. Gusto muna niyang maging financially stable. Bukod sa dalawang gym sa Marcos Highway at sa Ortigas, balak ni Rocco magtayo ng restaurant. Naghahanap na siya ng strategic place sa QC.

Na-influence kaya siya ni Lovi na may restaurant sa Fort Strip sa Taguig City?

comments