Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Toni nag-apologize sa pang-ookray

Toni nag-apologize sa pang-ookray

TONI Gonzaga

SA ginawang panawagan ni Nora Aunor na magbitiw sa kanyang puwesto si President Noynoy Aquino, ituloy pa kaya ni Kris Aquino ang pagsagot sa airfare ni Nora sa pagpunta niya sa Boston, USA para sa kanyang throat surgery? Sagutin pa rin kaya ni Boy Abunda ang hospital bills ni La Aunor?

Tuluyan na kayang mawalan ng pag-asa ang fans and supporters ng superstar na maideklara siyang National Artist?

Naging malaking isyu ang hindi pag-apruba ni PNoy na ideklarang National Artist si La Aunor dahil diumano sa pagkasangkot ng superstar sa droga.
’Yan ang mga tanong na naghihintay ng kasagutan para sa madlang pipol. Abang-abang nalang pag may time.

Nag-apologize
Bago simulan ang presscon proper ng “You’re My Boss,” nagpaliwanag at nag-apologize si Toni Gonzaga kaugnay ng hosting stint niya sa katatapos lang na Bb. Pilipinas 2015 coronation night. Aniya, kung may na-offend o na-malign siya, hindi niya intensiyon ’yun.

Bago raw kasi sinimulan ang programa, sinabihan siya ng Bb. Pilipinas committee na gawin niyang masaya at magaan ang hosting niya para mawala ang kaba o tension ng mga kandidata. ’Yun nga lang, iba ang naging dating sa karamihan ng ginawang pang-ookray ni Toni sa ibang kandidata. Inulan siya ng mga batikos.

In any case, expecting naman for the best si Toni sa first movie nila together ni Coco Martin. Aniya, kung inaakala ng iba na wala silang chemistry sa “You’re My Boss,” malaki ang paniniwala niyang meron sila ni Coco.

“Good vibes lang. We have a good combination. Tinitiyak kong lalabas ng sinehan ang mga manonood na nakangiti, full of realization,” sambit ni Toni.

Max Collins

Na-shock
Nanghinayang si Max Collins na natalo si WinWyn Marquez sa katatapos lang na Bb. Pilipinas 2015 pageant. Ani Max, very articulate si WinWyn at ang galing-galing niya kaya na-shock siyang hindi ito nanalo ng major award.

Asked kung feel ba niyang mag-join sa beauty contest, “Hindi ko dream maging beauty queen. Gusto ko talagang mag-artista,” ani Max sa pocket presscon ng GMA for her.

Nag-iba na siya ngayon ng career path since nag-sexy pose siya sa FHM. Siya ang cover girl para sa 15th anniversary issue nito ngayong March 2015. “I need something different. This year, open na ako for new things, new challenges,” lahad ni Max.

Aniya pa, four years siyang “niligawan” ng FHM at ng pumayag siya, agad-agad siyang nag-shoot at hindi na siya nakapag-prepare. Noong una’y may doubts siya kung gagawin ba niya ’yon.

Sinabi niya sa staff na gusto niyang maging komportable siya sa mga isusuot niya. Ayaw niya ng too sexy o too daring.

Ang mommy niya ang unang pinagpaalaman niya at agad naman itong pumayag, ani Max.

What about her rumored boyfriend, Pancho Magno? “Hindi ako nagpaalam sa kanya. Hindi naman ‘kami.’ We’re not dating anymore. Sobrang busy ako ngayon. Before, nasa dating stage lang kami. Pero hindi naging ‘kami’,” Max stressed.

Career muna ang focus niya ngayon, anang Kapuso actress. She has three shows sa GMA… “Kailan Ba Tama ang Mali?” “Bubble Gang” at “Sunday All Stars (SAS). May regional shows pa si Max.

comments