Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Amalia na echa-puwera na naman

Amalia na echa-puwera na naman

Amalia fuentes

ECHA-puwera na naman si Amalia Fuentes noong pasinaya ng Liezl S. Martinez Hall sa MTRCB building. Ipinangalan sa yumaong dating miyembro ng MTRCB ang bagong main hall nito bilang tribute kay Liezl at birthday niya.

Dinaluhan ’yun ng asawa niyang si Albert Martinez and their three children, Alyanna, Alfonso, and Alissa. ’Andun din ang papa Romeo Vasquez ni Liezl at ilang family friends. Waley ang mama Amalia Fuentes ni Liezl.

Kung sagad hanggang buto ang galit ni Amalia kay Albert, cool dad-in-law naman si Romeo. Kahit hindi binanggit ang pangalan niya sa cremation ceremony para kay Liezl, walang violent reaction ang biyenan ni Albert. Malapit din sa kanyang mga apo si Romeo. Ang description nga ni Alyanna sa kanya ay hippiest lolo.

At his age (mid-70’s) kasi, jeproks pang manamit ang heartthrob at matinee idol noong Dekada 60s.

Gwen Zamora

Walang sulutan
Naka-move on na si Gwen Zamora sa break-up nila ni Raymond (tama ba kami sa name?) Romualdez, anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Si Ellen Adarna ang diumano’y dahilan ng kanilang break-up. Ayon sa tsika, diumano’y sinulot niya kay Gwen ang ex-BF nito. Pero ayon kay Gwen, walang nangyaring sulutan dahil six months na silang break ni Raymond noong nakipagrelasyo ito kay Ellen. Naging friends sina Gwen at Ellen noong nasa GMA pa ang huli.

Sa pagta-travel nahihilig ngayon si Gwen. Nakapunta na siya sa Sagada, Coron, Palawan, Caramona. Gusto niyang malibot ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.

Sa October this year ay pupunta si Gwen sa Iceland. Mainstay siya sa “Bubble Gang” na napapanood every Friday sa GMA7.

Thanksgiving event
Bilang pasasalamat sa mga tagasubaybay ng “Yagit,” may thanksgiving event mamaya ang cast members sa Enchanted Kingdom. Pinamagatang “Summer Fun at Enchanted Kingdom: Gift ng Yagit sa Kids,” kasama ang mga bata mula sa He Cares Foundation (HCF), makikisaya sina Renz Fernandez, LJ Reyes, Bettina Carlos, Maricris Garcia, Ana Feleo, Kevin Santos, Kiko Estrada, Yasmien Kurdi at ang mga batang yagit na sina Chlaui Malayao, Jimwell Ventinilla, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz at Steph Yamut. Si Tess Bomb ang host ng gaganaping affair.

comments