Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alex doesn’t mind playing mother

Alex doesn’t mind playing mother

Megan Young

NGAYONG balik-GMA na si Megan Young, excited siyang makatrabaho ang younger sister niyang si Lauren Young. Never pang nagkatrabaho ang magkapatid kahit noong pareho pa silang nasa ABS-CBN.

Hindi affected si Megan sa sinasabi ng ibang tao na mas magaling umarte si Lauren kesa sa kanya. Tanggap naman niya, anang Miss World 2013. Nagpapaturo nga raw siya kay Lauren ng tamang pag-arte.

Gusto ring makatrabaho ni Megan ang rumored boyfriend niyang si Mikael Daez. Ayaw pa rin niyang diretsang aminin ang tunay na estado ng kanilang relasyon. May nagbabawal kaya?

Alessandra De Rossi

Mother role na
Mother role ang ginagampanan ni Alessandra de Rossi sa “Yagit.” Siya ang bagong pasok na karakter sa naturang afternoon prime drama series ng GMA7. She plays Lulu na magiging magaan ang loob kay Elisa (Chalui Malayao). Makikita niya rito ang nawawala niyang anak.

Hindi isyu kay Alex kung mother role siya kahit na in real life ay hindi pa niya naranasan ang maging isang ina. Wala pa rin siyang pamangkin sa older sister niyang si Assunta de Rossi.

Kumusta naman kaya ang love life ni Alex? Totoo kaya ang tsikang diumano’y break na sila ni Sid Lucero? How true na ang anak ni Maria Isabel Lopez na si Mara Lopez ang dahilan?

Matinding suporta
Less than a month na lang at magaganap na ang Fight of the Millenium nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Sa May 3 masasaksihan ang pinakaaabangang bakbakan nina Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas, USA. May 2 roon ang laban.

Bilang matinding suporta kay Pacquiao, pumayag ang GMA7 na i-waive ang kanilang exclusive TV airing rights. Mapapanood din ang boxing bout nina Pacman at Mayweather sa ABS-CBN at TV5.

Bukod sa TV coverage ng GMA, may radio coverage sa DZBB, Brgy. LS at lahat ng RGMA stations nationwide. “We are proud to be once again a partner of Solar Sports in bringing the latest Pacquiao adventure this time against Mayweather, live and real time from Las Vegas,” pahayag ni Mike Enriquez, GMA consultant for Radio Operations.

comments