Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dennis, Jennylyn seen together in Balesin

Dennis, Jennylyn seen together in Balesin

Max Collins

SUPER press friendly si Max Collins at sana’y hindi siya magbago. Pwedeng-pwede siyang maging Darling of the Press.

Halata sa isang artista kung sincere ito o nakikipagplastikan lang sa pagbati sa press. Nararamdaman ’yun. Sa totoo lang, marami ang nakikipagplastikan.

Mukha lang intimidating ang dating ni Max dahil sa pagiging mestiza niya. Marami ang nag-aakalang suplada siya. Aniya, parang set-back nga niya ’yun dahil feeling daw niya’y nalilimitahan ang kanyang role.

Mas gusto raw niya ang mga inspirational roles na pambata. Iniiwasan niya ang magkaroon ng sexy image kahit nag-sexy pictorial siya para sa FHM.

“Feeling ko, dumami ang male fans ko (laughs). Pero ’andun pa rin ’yung respeto at never kong naramdamang gusto akong bastusin,” saad ni Max sa isang pakikipagtsikahan naming sa kanya.

Mangingibang-bansa na lang
Parehong gustong mag-migrate sa ibang bansa sina Robin Padilla at Sharon Cuneta. Pareho silang dismayado sa sistema ng pamahalaan sa Pilipinas. Anila, mas gugustuhin pa nilang manirahan sa ibang bansa kung hindi magbabago ang sistema sa ating bansa.

Sa post ni Sharon sa kanyang Facebook account, natatakot daw siya para sa mga anak niya. Mahal daw niya ang Pilipinas, subalit dahil sa mga kaguluhang nangyayari, nag-aalala siya sa kapakanan ng mga anak niya.

Sa Los Angeles, California, USA nag-Holy Week ang pamilya ng megastar. Post pa niya’y gustung-gusto roon ng mga anak niya. Sobrang nag-enjoy ang mga ito.

Ayon pa kay Sharon, iniisip niyang four to five years from now, magre-retire na siya sa showbiz. Balak niyang manirahan nalang sa ibang bansa. Sino kaya ang mauuna sa kanila ni Robin?

JENNYLYN Mercado

Second chance?
Wala pa ring deretsahang pag-amin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagkabalikan sila. Marami nang sightings na magkasama sila sa mga out-of-town vacation. Ang palusot nila, kasama nila ang kanilang common friends.

Ang latest tsika tungkol kina Dennis at Jennlyn, diumano’y nakita silang magkasama sa Balesin Island nitong nakaraang Holy Week. May mga kasama kaya silang kapamilya o kaibigan nila?

Sabi noon ni Jennylyn sa isang interbyu, wala pa siyang binalikang ex-boyfriend niya. “Pagtapos na, tapos na talaga. Kaya nga nag-break,” natatandaan naming wika ng aktres.

May pahayag din noon si Dennis na wala pa siyang binalikang ex-GF. May second chance kaya sila this time?

comments