Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Martin del Rosario, hindi affected ng gender issue

Martin del Rosario, hindi affected ng gender issue

BIRTHDAY ni Angel Locsin on April 23 at inaabangan kung may magaganap na marriage proposal mula sa boyfriend niyang si Luis Manzano.

Ano ’yun? Mala-Dingdong Dantes at Marian Rivera na itinaon sa birthday ni Marian (Aug. 12 last year) ang marriage proposal ni Dingdong on national TV.

Turning 30 na si Angel at nasa marrying age na siya. Luis naman is turning 33 tomorrow. May surprise kaya si Angel?

Kung paniniwalaan ang sinabi ni Luis sa mga nakausap niyang reporters, mukhang walang magaganap na marriage proposal sa birthday ni Angel. Anang TV host, wala pa siyang plano dahil ayaw niyang makiuso. Hanggang kailan kaya maghihintay si Angel?

Ano’ng malay natin, baka “inililigaw” lang ni Luis ang mga nagtatanong sa kanya kung kailan siya magpo-propose ng kasal kay Angel? Baka magkabiglaan na lang.

Guessing game rin kung tuloy ba ang pagpasok sa pulitika ni Luis sa 2016 elections. May mga haka-hakang diumano’y kakandidato siyang mayor ng Lipa, Batangas.

Alin kaya ang mauuna? Ang pagpapakasal ni Luis kay Angel? O ang pagpasok niya sa pulitika?

Confident
Confident at sobrang secure si Shaira Mae sa relasyon nila ni Edgar Allan Guzman. Hindi siya affected na nali-link ang boyfriend niya kay Maxene Magalona. Hindi siya nagseselos dahil naiintindihan niyang trabaho lang ’yun.

Ani Shaira, malaki ang tiwala niya kay Edgar at parati siyang ina-assure na walang namamagitang “something” between him and Maxene. Parating ipinapaliwanag sa kanya ni Edgar na working partners lang sila ni Maxene dahil magkasama sila sa “Your Face Sounds Familiar.”

Ayon pa kay Shaira, kapag magkasama sila ni Edgar, wala siyang nakikita at/o nararamdamang pagbabago sa kanyang BF. Sobrang sweet, loving and caring pa rin ito sa kanya.

Hindi rin daw nagseselos si Edgar kay Mark Neumann dahil friends ang dalawa. Magkapareha sina Shaira at Mark sa “Wattpad Presents: The Magic in You” at sa Hong Kong Disneyland pa sila nag-taping. Mapapanood ang week-long series sa TV5 on Monday (April 13) at 9 p.m.

martin del rosario

Deadma
Deadma lang at hindi affected si Martin del Rosario ng gender issue about him. Aniya, more than anybody else, alam niya kung ano ang kanyang sexual preference.

Kahit napaghihinalaang bakla siya, walang pag-aalalang tinanggap ni Martin ang gay role sa pilot episode ng “Karelasyon” na pinamagatang “Ina, Anak Magkaagaw sa Pag-ibig.” Beking anak ni Mylene Dizon ang role ni Martin. Mahuhulog ang loob niya kay Mark Herras na karelasyon ni Mylene.

Hosted by Carla Abellana, mapapanood ang “Karelasyon” tuwing Sabado simula ngayon, 2:30 p.m., pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA7.

comments