Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Martin, nata-typecast sa gay roles

Martin, nata-typecast sa gay roles

CARLA Abellana

Ayaw sabihin ni Carla Abellana kung ano’ng magiging involvement niya kay Dingdong Dantes sa “Pari ‘Koy.”

She plays Michelle, isang teacher na girlfriend ni Jude (Gabby Eigenmann) na magiging malapit sa anak nitong si Joshua (Wil Ashley). Pinsan ni Gabby ang ex-boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann, pero anang dalaga, walang problema working with Gabby. They’re both professionals at walang personalan.

Hindi pa nakukunan ang mga eksena ni Carla with Dingdong and when asked kung aware ba siya na ayaw ng ilang fans na ipasok siya sa “Pari ‘Koy,” ngumiti lang si Carla. Aniya, hindi siya bothered kung ayaw ng ilang fans. “I cannot please everybody. For me, it’s just work. I have to do it,” she said.

Nagkatrabaho na sila ni Dingdong sa “Starstruck 5” at okey sila, ayon kay Carla. Ang nag-re-react ay ‘yung supporters ni Marian Rivera dahil diumano, kaibigan ni Carla si Heart Evangelista at isa pa siya sa naging bridesmaids noong kasal nito kay Senator Chiz Escudero.

Martin del RosarioDeadma na lang
Pasok din sa “Pari ‘Koy” si Martin del Rosario na gumaganap bilang Jeremy, lover ni Hiro Peralta (as Sam) na closet gay brother ni Father Kokoy (Dingdong Dantes). Sa pilot episode ng “Karelasyon,” isang beki ang ginampanan ni Martin. Kinongratuleyt nga raw siya ni Dingdong sa kanyang performance. Maraming beses na siyang gumanap sa gay role na ani Martin, he doesn’t mind. “Iba’t-ibang level naman ang performance ko,” saad ni Martin.

Aniya pa, hindi siya affected sa gender issue about him. Deadma lang siya at ayaw niyang patulan dahil hindi naman totoo. Ang naaapektuhan ay ang pamilya niya, ayon kay Martin. Ipinapaliwanag na lang daw niya na gano’n talaga sa showbiz, maraming intriga.

Nakalatag na ang bagong teleseryeng gagawin niya sa GMA7 kasama si Kylie Padilla. Ani Martin, dream come true na makakatrabaho niya si Kylie. “Maganda siya at magaling umarte,” sambit ni Martin. Gusto rin niyang makatrabaho si Lovi Poe.

roderick paulate

Kakandidato muli
Wala pang bagong show si Roderick Paulate sa ABS-CBN matapos ang “The Singing Bee” kung saan co-hosts sila ni Amy Perez. Free-lance talent siya kaya pwede siyang tumanggap ng offer mula sa ibang network. Nami-miss na nga raw niya ang hosting at acting.

Gusto niyang makatrabaho muli ang showbiz friends niyang sina Governor Vilma Santos-Recto at Maricel Soriano. Ang isa pa niyang friend na si Jackielou Blanco ay aktibo pa rin sa paggawa ng teleserye. May guest role si Jackielou sa “Pari ‘Koy” kung saan gumanap siya bilang nanay ni Father Kokoy (Dingdong Dantes).

Councilor si Paulate sa second district ng QC na aniya, may mga college scholars siya at Day Care centers. Magsi-seek siya ng re-election sa 2016 elections for his last term.

Samantala, recipient si Roderick ng Helen Vela Lifetime Achievement Award for Comedy na ipagkakaloob ng Enpress (Entertainment Press Society). Gaganapin ang Awards Night on April 26 sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC building, Makati City.

comments