Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Shaira feels she’s being used

Shaira feels she’s being used

Vin Abrenica

MALAMANG isipin ni Vin Abrenica na nagagamit siya sa promotion ng “Baker King.” Sa presscon kasi, may nagtanong kung totoo bang ini-offer ang project kay Vin. Pero napunta ito kay Mark Neumann, dahilan diumano para magtampo si Vin sa TV5.

Ayon kay direk Mac Alejandre, wala siyang ideya kung may formal offer kay Vin. Basta ani direk, kanya-kanyang panahon lang ang mga artista.

“Minsan, maagang dumarating, minsan late. Palagay ko, nakita ng TV5 na panahon ngayon nina Mark at Shaira Mae, kaya sa kanila ibinigay ang project. Pareho silang produkto ng ‘Artista Academy’ and they’re both hard workers. Panahon nila ngayon at sana’y tulungan natin sila,” pahayag ni direk Mac.

Sinang-ayunan ito ni Boots Anson-Roa-Rodrigo na kasama sa cast ng “Baker King.” Naging mentor-tutor siya noon sa “Artista Academy” contestants at aniya, nakita niya kung gaano katiyaga, kapursigidong matuto sina Mark at Shaira Mae sa mga pinagdaanang workshops ng mga ito.

“Hindi lang dapat acting talent ang puhunan ng mga nag-aartista. Dapat ay matutunan din nila ang magandang pakikisama sa mga katrabaho nila. Importante ’yun sa ating industriya. At saka dapat, always feet on the ground. Huwag lalaki ang ulo kapag sumikat na,” words to that effect na payo ni Ms. Boots.

Ginagamit daw?
Feeling ni Shaira Mae ay nagagamit siya sa pagpu-push sa love team ng boyfriend niyang si Edgar Allan Guzman at Maxene Magalona. Celebrity impersonators ang mga ito sa “Your Face Sounds Familiar.”

Nagtataka si Shaira sa lumabas na report na diumano’y dumalaw siya sa taping ng YFSF at nagbantay siya kay Edgar. Diumano pa ri’y nagseselos at nai-insecure siya kay Maxene.

“Matagal na ’yun, last March 19 pa to be exact. Bakit ngayon lang lumabas?” ani Shaira

Aniya pa sa interbyu sa kanya sa presscon ng “Baker King,” hindi lang si Edgar ang dinalaw niya, pati si Sharon Cuneta. Naging friends daw kasi sila ng megastar noong nasa TV5 pa ito.

Shaira stressed, hindi siya nagseselos o nai-insecure kay Maxene. Alam niya kung saan siya nakalugar sa puso ni Edgar. Going strong ang kanilang relasyon kahit inila-love team ang BF niya kay Maxene at siya (Shaira Mae) kay Mark Neumann.

comments