Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julie Anne not bothered by ‘tomboy’ tag

Julie Anne not bothered by ‘tomboy’ tag

Julie Anne San Jose

PAALIS today si Julie Anne San Jose papuntang United States. May concert siya titled “Japs Live!” na gaganapin sa Fort McKinley, San Francisco, USA on May 22. Ten days doon ang GMA Artist Center talent dahil gagawa rin siya ng music video at magre-record ng ilang kanta para sa kanyang album na isang American producer, si Sidney “Omen” Brown.

Birthday ni Julie Anne noong May 17 at 21 years old na siya. Binigyan siya ng birthday treat ng kanyang fans noong Sabado (May 16) na ginanap sa Studio 1 ng GMA Network Center.

Bago ang celebration, nakausap namin at ng ilang miyembro ng entertainment press si Julie Anne sa kanyang dressing room. Aniya, birthday wish niya’y true happiness at peace. Gusto rin daw niyang magkaroon ng recording studio.

What about love life?

“Naku, wala pa rin (laughs),” ani Julie Anne. “May mga nagpaparamdam pero hindi ko pinapansin.”

“Kaya napagkakamalan kang tomboy,” hirit ng isang reporter.

“I’m not bothered. Nakaka-offend lang. ’Yung ibang tao, nagdya-judge agad, hindi naman nila alam ang true story. Okey nang mapagkamalan akong tomboy kesa bading (laughs),” sambit ni Julie Anne.

janine gutierrez

Ayaw pang makatrabaho
May fans pa rin sila ni Elmo Magalona (JulieElmo) na hindi pa nakaka-move on at bina-bash si Janine Gutierrez na reel-and-real love team ni Elmo.

Ani Julie Anne, she feels bad dahil kung pwede nga lang niyang pagsabihan ang mga ito na ihinto na ang pagba-bash kay Janine.

“I better not say anything na lang para hindi na lumala pa,” ani Julie Anne.

Willing ba siyang makatrabaho sina Janine at Elmo? “Pwede siguro in the future, but not right now,” mariing sabi ni Julie Anne.

Mukhang sila naman ni Jake Vargas ang pinagla-love team ng GMA. Sila ang magkapareha sa bagong afternoon prime series na “Buena Familia.”

Hindi kaya siya (Julie Anne) naman ang ma-bash ng JaBea fans nina Jake at Bea Binene?

“Alam ko, marami silang followers. Pero hindi ako nag-aalala dahil wala akong intensiyong (mang-agaw), alam n’yo na. Okey kami ni Bea. No cold war or whatever!” wika ni Julie Anne.

Pinag-uusapan
Kasisimula lang umere ang “The Rich Man’s Daughter” ay pinag-uusapan at pinagkakaguluhan na ito online. Consistent sa trending topic list ang daily hashtag ng naturang programa. May fans na gumawa ng iba’t ibang social media accounts dedicated sa TRMD at sa Rastro “love team” nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.

Naglabasan din ang mga fan art at GF’s (Graphics Interchange Format) na ginawa ng fans mula sa memorable scenes ng TRMD.

Tuwang-tuwa naman at sobrang thankful sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro sa suporta ng fans. Mas lalo raw silang na-inspire pagbutihin ang kanilang trabaho.

Samantala, mamaya sa TRMD, ayaw nang pakasal ni Jade (Rhian) kay David (Luis Alandy). Nagalit sa kanya ang pamilya Tanchingco. Sinabihan si Jade ni Oscar (Al Tantay) na kailangang makipagbalikan siya kay David kung ayaw niyang mawala ang kanyang pamilya.

comments