Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Christian wants to be a father, Gwen wants a baby at age 26

Christian wants to be a father, Gwen wants a baby at age 26

christian and gwen

FIRST time magkatrabaho sina Christian Bautista at Gwen Zamora sa “My Mother’s Secret.”

“This project is very important to us, especially to Gwen. She’s very dedicated. She really wants to succeed and I’m here to support her,” saad ni Christian sa presscon ng MMS.

Father role ang ginagampanan for the first time ni Christian at aniya, in real life, gusto na niyang maging tatay. May eksena sa MMS na may karga siyang baby (supposedly anak nila ni Gwen) at ayon kay Christian, dun niya naramdamang gusto na niyang maging tatay.

Hindi ba niya naisip ’yun sa mga nakarelasyon niya? “’Yung naanakan ko sana? Actually, naisip ko ’yun (laughs). Gusto ko, kasal muna bago baby,” sambit ni Christian.

Sina Rachel Ann Go at ang Singaporean actress na si Carla Dunareanu ang ex-girlfriends ni Christian.

Ayon pa kay Christian, first time ring mapapasabak siya sa mga drama scene. “Pinakamahirap at pinaka-challenging role. Maninibago ang fans at masasabi nilang, ‘Wow! Pwede pala.’ Sana nga, ma-appreciate ang performance ko sa MMS,” ani Christian.

Hindi isyu
Hindi isyu kay Gwen Zamora na mother role ang ginagampanan niya sa “My Mother’s Secret.” Aniya, sa first movie niya, “Enteng Kabisote” ay mother ang role niya.

Sa MMS, anak ni Gwen si Kim Rodriguez. Gwen is 24 years old, 20 naman si Kim, pero walang kaso ’yon, ayon kay Gwen.

Gusto raw niyang magkaanak kapag 26 years old na siya. Si Jeremy Marquez (anak ni Joey Marquez) ang boyfriend ngayon ni Gwen. Magti-three months na ang relasyon nila, ani Gwen noong presscon ng “My Mother’s Secret.”

Six years ago pa sila nagkakilala ni Jeremy at dati na silang magkaibigan. Nagkita sila kamakailan sa party ng isang common friend nila at doon nagsimula uli ang kanilang friendship hanggang nagka-in love-an sila.

Pepsters’ Choice
Inihayag na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang first batch ng winners para sa The Pep List Year 2. Sa presscon na ginanap sa Luxent Hotel, Timog, QC, ipinahayag ni Ms. Jo-Ann Maglipon (PEP editor-in-chief) ang winners sa Pepster’s Choice.

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Newsmakers of the Year at sila lang ang Kapuso stars. The rest ay Kapamilya stars tulad nina Xian Lim at Kim Chiu (Celebrity Pair) at (FAB Male and Female Star of the Year). Female Movie Star of the Year din si Kim at si Daniel Padilla ang Male Movie Star of the Year; Lyca Gairanod (Child Star of the Year). Female Teen Star of the Year si Kathryn Bernardo at Male Teen Star of the Year si Darren Espanto.

Sa winners, sina Marian Rivera, Xian Lim at Lyca Gairanod lang ang nakarating sa presscon. Nagpasalamat sila sa Pep team at sa kanilang fans and supporters sa pagboto sa kanila.

Sa Pep Editor’s Choice, on-going pa ang deliberation para sa mga sumusunod na kategoriya: Male and Female TV Star of the Year, Primetime Series of the Day, Daytime Series of the Year, Talk/Variety Show of the Year, Teleserye Actor and Actress of the Year, Breakout Star of the Year, PEP Reporter of the Year, Pep Contributors of the Year at Pep Photographer of the Year.

Promo tour
May mall show ngayong Sabado sa Atrium of CSI the City Mall sa Dagupan City at 4 p.m. Tampok ang “Pari ’Koy” stars na sina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann at David Remo.

comments