Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » P1M cash prize di pa naibibigay nang buo

P1M cash prize di pa naibibigay nang buo

Marian and Dingdong

HINDI pa halatang buntis si Marian Rivera nang humarap siya sa entertainment writers noong presscon ng Pep para sa announcement ng Pepster’s Choice winners ng The Pep List Year 2. She’s three months pregnant sa first baby nila ni Dingdong Dantes. Anang Kapuso Primetime Queen, sabi raw ng kanyang OB-gyne, lalaki ang tiyan niya kapag 7 to 8 months pregnant na siya.

For now, pictorial at guestings lang muna sa mga programa ng GMA7 ang kaya niyang gawin. “Wala munang artehan. Nakakapagod ’yun. Mas importante sa akin ang safety ng baby ko. Sabi ng asawa ko, bihira raw sa mga babae ’yung isinasakripisyo ang career,” saad ni Marian.

Aniya pa, iba talaga ang buhay may asawa. Pangarap niya talaga ang maikasal at magkaroon ng sariling pamilya. Gusto niya ng maraming anak, ayon kay Marian. “Palalakihin ko siya (sila) nang maayos. Sakaling may gustong mag-artista, mag-aral muna sila. Pero kung ano’ng gusto nila, susuportahan namin ni Dong. Palagay ko, magiging stage father siya (laughs),” pahayag ni Mrs. Dantes.
Sina Dingdong at Marian ang Newsmaker of the Year ng Pepster’s Choice.

Kim Chiu & Xian Lim

Malapit na
Wala pa ring inamin si Xian Lim sa totoong estado ng relasyon nila ni Kim Chiu nang tanungin siya sa presscon ng Pep. “Malapit na,” aniya. “Ipinaparamdam ko naman sa kanya (’yung pagmamahal niya). Basta, she’s very special to me.”

Kaliga nina Xian at Kim sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, Mikael Daez at Megan Young, Sef Cadayona at Andrea Torres, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Kiko Estrada at Kim Rodriguez na mga ayaw umamin sa totoong estado ng kanilang relasyon. Sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay ayaw pa ring umamin na nagka-second chance sila.

In any case, natanong si Xian kung ano’ng naging epekto sa kanya ng mga pagbatikos sa kanya kaugnay ng Albay incident a few months ago. Aniya, hindi naman siya nagtampo sa mga reporter na nagsulat ng negatibo tungkol sa kanya. “I’ve learned my lesson,” he said.
Sina Xian at Kim ang Celebrity Pair at FAB Male and Female Star of the Year ng Pepster’s Choice.

Di na naghihirap
Hindi pa pala buong naibibigay kay Lyca Gairanod ang P1 million cash prize na napanalunan niya sa “The Voice Kids.” Si Lyca ang grand winner sa nasabing singing competition ng ABS-CBN. Aniya, paunti-unti lang ang bigay sa kanya.

Aniya sa presscon ng Pep List Year 2, ’yung bahay pa lang ang naibigay sa kanya. Maganda at maayos na raw ngayon ang tirahan nila. Nag-aaral na rin ang mga kapatid niya. “Hindi na po kami naghihirap ngayon,” sambit ni Lyca na tinanghal na Child Star of the Year ng Pepster’s Choice.

Magkakaroon na naman ng panibagong season ng “The Voice Kids” at siguro naman, maibibigay na kay Lyca ang kabuuan ng P1 million cash prize na napanalunan niya.

***
May mall show mamayang 5 p.m. sa SM City Baliwag, Bulacan. Tampok ang “Pari ’Koy” stars na sina Sunshine Dizon, Jeric Gonzales, Martin del Rosario, Hiro Peralta, Lindsay de Vera at David Remo.

comments