Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong handa sa isyung maaaring idulot ng ‘Pari ’Koy’

Dingdong handa sa isyung maaaring idulot ng ‘Pari ’Koy’

Dingdong Dantes

HANDA na si Dingdong Dantes sa posibleng kontrobersiyang haharapin ng “Pari ’Koy” sa revelation na may anak sila ni Michelle (Carla Abellana). Inaasahan na niya at ng buong cast na maaaring punahin ng Simbahang Katolika ang kanilang programa.

“Isa sa mga bagay na ipapakita natin ay problems really happen. Ito ’yung mga naging resulta ng kanyang nakaraan (Father Kokoy). So, kung paano makakaapekto ’yun sa vocation bilang pari, bilang leader ng parokya at kung ano’ng tingin sa kanya ng mga tao… ’yun ang dapat abangan ng televiewers. The story itself is a reality check para sa mga nangyayari sa kapaligiran natin.

“Once in my life, nagampanan ko kung ano’ng buhay ng isang pari. Nakikita lang natin sila tuwing Linggo pag nagsisimba tayo. Pero kung makakasama at makakahalubilo natin sila, at saka natin malalaman talaga ’yung nangyayari sa kanilang personal na buhay. Through this (“Pari ’Koy”), malalaman na sila’y mga normal na tao rin,” pahayag ng Kapuso Primetime King.

Samantala, mamaya sa “Pari ’Koy,” hindi matutuloy umalis si Fr. Kokoy sa Bgy. Pinagpala. Nagpetisyon ang mga taga-Pinagpala na huwag siyang ilipat sa ibang parokya.

betong

Canada-bound
Paalis bukas si Betong Sumaya para sa GMA Pinoy TV shows na gaganapin sa Vancouver, Canada on May 29 at sa Anaheim on May 31. Kasama niyang magpe-perform sina Ai-Ai de las Alas, Alden Richards, Christian Bautista at Jonalyn Viray.

May show rin si Betong sa June sa Middle East para sa celebration ng Philippine Independence Day. Sa performances niya sa ibang bansa, bibigyang-buhay ni Betong ang kinaaaliwang karakter niyang si Antonietta, na sumikat sa longest-running gag show ng GMA7, ang “Bubble Gang.”

Apat ang regular shows ni Betong sa Kapuso Network, “Bubble Gang,” “Sabado Badoo,” “Sunday All Stars” at “Pinaka…” sa GMA News TV. Huli siyang napanood sa primetime series na “Once Upon a Kiss.”

Betong is 55 years old, still single. Nagkaroon sila ni Patricia Javier ng isang linggong pag-ibig noong high school pa lang sila sa Antipolo Municipal High School. Pareho silang taga-Antipolo.

“Nahimasmasan siya (Patricia), kaya nag-break kami (laughs),” sabi ni Betong nang nakatsikahan namin a few days ago.

comments