Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jen on ties with Dennis: ‘What you see is what you get’

Jen on ties with Dennis: ‘What you see is what you get’

dennis and jennylyn

WHAT you see is what you get ang drama ni Jennylyn Mercado sa isyung nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo.

Walang gustong umamin sa dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Kahit maraming sightings kina Dennis at Jennylyn, ang palusot ng huli’y grupo naman silang magkakasama.

Kamakailan ay nagpunta sa Hong Kong sina Dennis at Jennylyn. May mga kasama kaya sila?

Wala pang official announcement ang GMA7 kung sino ang makakapareha ni Dennis sa bago niyang primetime series na “My Faithful Husband.” May tsikang diumano’y si Jennylyn.

Sa August ang simula ng taping. May aminan na kayang maganap sa balik-tambalan nina Dennis at Jennylyn? Abang-abang na lang.

Ang tipo niyang babae
Sa mga babaeng gustong mapansin ni Benjamin Alves, tatlong bagay ang hinahanap ng Kapuso actor.

Aniya, attracted siya sa mga babaeng may talent sa pagkanta. Hindi kasi siya singer, kaya gusto niyang siya ang kinakantahan ng girl.

Mahilig magsulat ng poems si Benjamin at aniya’y puwedeng idaan niya ang nararamdaman niya rito for a girl.

Type rin ni Benjamin ang babaeng may collar bone na nakikita kapag naka-off-shoulder outfit ito. He finds a girl attractive that way, ayon kay Benjamin. Fascinated din siya sa babaeng naka-athletic wear.

Hindi kaya si Glaiza de Castro ang babaeng pinapatungkulan ni Benjamin? Singer si Glaiza, mahilig din siyang magsuot ng off-shoulder outfit na kita ang kanyang collar bone. And yes, mahilig din siya sa athletic wear. Ikaw na kaya ’yun, Glaiza?

May tsikang diumano’y dahil sa lesbian role niya bilang Althea sa “The Rich Man’s Daughter” ay may mga tomboy na gustong manligaw (o nanliligaw?) kay Glaiza.

Kung tomboy si Glaiza sa TRMD, babaero naman ang role ni Benjamin sa bago niyang primetime series sa GMA7, ang “Beautiful Strangers.” Pero kabaliktaran siya in real life. Pag nagmahal siya, one-woman-man siya, ani Benjamin na kamakailan ay nag-renew ng kontrata sa Kapuso Network.

Kasama niya sa “Beautiful Strangers” sina Christopher de Leon, Heart Evangelista, Lovi Poe at Rocco Nacino.

Hirap mag-host
Hindi madali para kay Georgina Wilson ang mag-host ng “Asia’s Next Top Model (Season 3).” Aniya, hindi madaling balansehin ang pagiging kaibigan at pagiging mentor niya sa mga kasali sa competition.

Ibinabahagi niya ang mga natutunan niya sa modelling. Ani Georgina, nahihirapan siya kung kaibigan ba siya o mentor?

“It’s such a great experience to share with them (contestants) who wanna become top models, too,” sambit ni Georgina sa presscon ng ANTM.

Aniya pa, bilang host ng ANTM, ang pinakamahirap na bahagi ay ’yung every week ay may sinasabihan siyang isang contestant na tapos na ang kanyang journey.

May napili nang Top 4, kaya tutok lang sa ANTM every Sunday after “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA7. Abangan kung sino ang tatanghaling Asia’s Next Top Model sa pakikipagtulungan ng TRESemme’ products.

comments