Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Darna role bagay kay Liza Soberano

Darna role bagay kay Liza Soberano

enrique and lizaTINGNAN nga natin kung mapapanindigan ni Enrique Gil ang sinabi niyang si Liza Soberano ang magiging one and only niya kapag sinagot siya nito. Hindi pa nga ba?

Gusto ni Enrique na maging forever sila ni Liza. Naniniwala kasi ang Kapamilya actor na may forever.

Tingnan din natin kung susundin ni Liza ang manager niyang si Ogie Diaz na hindi muna siya magbo-boyfriend hanggang wala pa siyang 18 years old. She’s 17 now, pero sa tingin at pakiramdam ng marami, may “something” special going on between her and Enrique.

Isa si Liza sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz at most promising pa. Lucky guy si Enrique kung siya ang magiging first boyfriend (o, boyfriend na?) ni Liza.

Marami ang nagsasabing bagay kay Liza mag-Darna at sana raw ay siya na lang ang gumanap sa remake ng movie version nito. Kaso lang, naitoka na ito kay Angel Locsin ng Star Cinema.

Come to think of it, bagay nga kay Liza ang mag-Darna. Bata, maganda, matangkad, maputi. Just imagine ang itsura ni Liza kapag naka-Darna costume siya.

No offense meant kay Angel Locsin na nag-Darna noon sa GMA7. In fairness, humataw talaga sa ratings ang naturang fantaserye at naging bukambibig ang pangalan niya. Maraming kalalakihan ang nagpantasya noon kay Angel.

Tingnan natin kung mangyayari uli ’yun sa movie version ng “Darna” na pagbibidahan niya.

Uunahin munang gawin ni Angel ang pelikulang pagsasamahan nila ni Governor Vilma Santos-Recto at saka niya isusunod ang “Darna: The Movie.”

Future leading lady
Habang nagdadalaga, paganda nang paganda si Jillian Ward. Future leading lady material ang bagets.

Gandang-ganda kami kay Jillian kapag pinapanood namin siya sa “Pari ’Koy.” Sa eksenang supposedly ay sinapian ang katawan niya ng ispiritu ni Barbara Miguel (Daniela), kahit nagkangiwi-wingi si Jillian sa pag-arte, ang ganda pa rin ng rehistro ng mukha niya sa screen.

A few years from now, may tween star na naman ang Kapuso Network, si Jillian. Pa-exit na sina Barbie Forteza at Bea Binene na mag-e-eighteen years old na this year. Magbe-birthday this July si Barbie, sa November naman si Bea. Mga ganap na silang dalaga.

Nakaabang naman ang mga sixteeners na sina Gabbi Garcia, Ash Ortega, Bianca Umali. Then, sina Jillian at Mona Louise Rey na future leading lady material din.

Sexy star noon, drama actress ngayon
Nabura na ang sexy image ni Glydel Mercado na pinagpantasyahan noong Dekada ’90. Isa siya sa mga most sought-after sexy stars na walang takot sa mga daring scene. Naging calendar girl pa siya ng isang inuming pang-lalaki.

Now, isa nang competent drama actress si Glydel. Hindi siya nagpapahuli sa co-stars niya sa “The Rich Man’s Daughter” sa mga madadramang eksena.

Sobrang bilib sa kanya si Mike Tan. Para raw robot si Glydel. “’Pag pinaiyak siya, iyak agad,” sabi ni Mike. He plays Paul na anak ni Glydel (Amanda). Kapatid ni Mike sina Rhian Ramos (Jade) at TJ Trinidad (Gabriel).

Ani Mike, sobrang focused sa trabaho si Rhian at parating inaaral nito ang karakter niya sa TRMD. Magkasama sa isang dressing room sina TJ at Mike at anang huli, acting ang madalas nilang pag-usapan.

Very fatherly naman daw si Al Tantay who plays their father (Oscar). Very supportive at very giving si Al kapag magka-eksena sila, ayon kay Mike. “Acting-wise, marami akong natututunan sa kanya.”

comments