Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pauleen, nagpakilala kay Dina

Pauleen, nagpakilala kay Dina

Pauleen Luna

NICE gesture ang ginawa ni Pauleen Luna na talagang nag-effort siyang magpakilala kay Dina Bonnevie.

Ayon sa tsika, noong nalaman ni Pauleen na guest si Ms. D sa “The Ryzza Mae Show,” pinuntahan niya ang ex-wife ni Vic Sotto sa dressing room nito at nagpakilala kay Ms. D.

Well-appreciated naman daw ng aktres ang ginawa ng present love ng kanyang ex-husband.

Nag-guest si Ms. D sa “The Ryzza Mae Show” para mag-promote ng “Beautiful Strangers.” May tsika pang nagkita rin sina Ms. D at Vic, kaya tinukso pa silang Dabarkads nito sa “Eat Bulaga.” Pinatugtog pa raw ang kanta ni Ms. D na “Bakit Ba Ganyan?” na kanyang pinasikat noon at kinompose ni Vic.

But of course, past is past dahil may kanya-kanya nang buhay ngayon ang ex-couple. Happily married si Dina sa isang politician na owner ng Victorino’s restaurant somewhere in QC, samantalang going strong ang relasyon nina Vic at Pauleen. May balita pang diumano’y malapit na silang magpakasal. If and when, abang-abang na lang.

BFF nag-bonding
Bihirang magkita ang mag-BFF na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes, kaya naman super bonding sila noong nagkita sila kamakailan lang.

Super tsikahan sila tungkol sa pagiging nanay at asawa nila, ayon kay Gladys. Nag-shopping galore pa sila, namasyal at kumain sa isang resto.

Hindi alam ni Gladys kung ano’ng pinaglilihihan ni Juday na more than two months pregnant sa second baby nila ni Ryan Agoncillo.

Basta ang dami raw organic food na in-order ni Juday, ani Gladys.

Samantala, sobrang happy ang Kapuso actress sa panalo niya bilang best supporting actress sa Gawad Urian para sa indie film na “Magkakabaung.” Ani Gladys, magandang birthday gift ’yun sa kanya. She’s turning a year older on June 23 at wish ni Gladys na magkaroon pa ng maraming TV shows at movie materials.

Gusto raw niyang gumanap ng iba’t ibang karakter, bukod sa pananakit at pang-aapi sa bida. Napapanood si Gladys sa “Let the Love Begin” kung saan kontrabida siya kay Ai-Ai de las Alas.

Balik-eskuwela
Balik-eskuwela si Miguel Tanfelix at first year college siya sa De La Salle, Dasmarinas, Cavite sa kursong Entrepreneurship.

Isinantabi niya muna ang pangarap na maging pilot. Gusto muna niyang mag-business kaya Entrepreneurship ang kinuha niya. Mag-iipon daw siya para sa pag-aaral para maging piloto.

Pinaghahandaan din ni Miguel ang bagong drama series niya sa GMA7, “Womb for Hire” kung saan si Bianca Umali muli ang kanyang katambal. Huling teleserye nila ang “Once Upon a Kiss.”

Thankful si Miguel na hindi pinaghiwalay ang love team nila ni Bianca. “Siya po talaga ang gusto kong kapareha dahil komportable na kaming magkatrabaho. Gamay na namin ang isa’t isa,” sambit ni Miguel.

’Yun nga lang kaya ang dahilan?

comments